Napabuga ng sunod-sunod na hangin si Lander habang nakadungaw siya sa terasa. Naulinigan naman niya na may sumunod sa likuran niya. Kung si Samina man iyon, hahalikan talaga niya ito. Isasandal niya ito sa pader habang hinahalikan para malaman nito kung gaano na siya kabaliw rito. Tapos kakargahin niya ito papunta sa kwarto at bahala na kung anuman ang iisipin ng mga kasamahan niya. Napalingon siya sa taong nasa likuran niya, only to find out na si Jazz lang pala iyon. Jazz raised his eyebrows in greeting and closed the glass door behind them. Napabuga ulit siya ng hangin saka niya hinarap si Jazz. "Hey." "Okay ka lang, bro?" "Mukha ba akong hindi okay?" "Kung sila maloloko mo. Pwes, ako hindi. Siguro ang kailangan mo ay isang brilliant advice mula sa expert." He and Jazz had be

