Samina doing hard core math was the most erotic thing Lander had ever seen. Kanina pa kasi niya pinagmamasdan ang dalaga na may kinalkula habang kinagat-kagat nito ang eraser sa dulo ng lapis nito. At bigla nalang itong napahiyaw nang makuha na siguro nito ang tamang sagot. Simula nang makilala niya ito walang oras na hindi mag-aapoy ang pakiramdam niya sa tuwing magkadikit ang mga balat nila. Nadagdagan pa iyon nang maamoy niya ang katawan nito matapos itong maligo. Gumaan lang naman ang nag-iinit niyang pakiramdam nang makaligo na siya sa wakas. Pinuntahan agad niya si Samina sa sala at naabotan niya itong nagkukusot sa mata. Reklamo pa nito na hindi ito sanay tumitig sa computer nang ganoon katagal na walang glasses. Kaya hayun sina Jenan at Jarred naghahanap ng mabibilhan ng reading

