Chapter 4

2265 Words
Driver hindi ata yan ang katagang gagamitin ni Samina para e-describe ang lalaking nagmamaneho sa kanya ngayon. Kundi aparisyon ito ng isang Demigod. Lalo na't namumutok ang mga muscles nito sa braso dahil nakahulma sa katawan nito ang suot na itim na t-shirt. Hindi lang yan, mukha rin itong action star sa pelikula dahil sa mga armas na nakapulupot sa katawan nito. Pero di niya maitatanggi na isa sa mga armas na yan ang sumagip sa buhay niya. Kaya nga hindi siya naniniwala na driver lamang niya ito. Mga ilang minuto rin ang nakalipas at medyo nakalayo-layo na nga sila sa tinitirahan niyang apartment na ngayon ay abo na. Her fear and lack of control made it tough to breathe. Hanggang sa mga oras na yon kasi hindi pa rin siya naka move-on sa nangyari sa kanya kani-kanina lang. At hindi lang yan, masakit din ang pagkakauntog sa ulo niya nang mabangga ang van na sinasakyan nila kasama yong mga kidnapper. She tried to think up a number to focus on, something big with a decimal point, pero waley eh, hindi talaga gumagana ang utak niya. At ang matindi pa ay hindi niya alam kung sino ang pagkatiwalaan niya. Maliban nalang sa sinabi ng kanyang instinct na magtiwala muna siya sa nagpakilala sa kanyang driver. Eh mukhang harmless din naman ito. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit kakaiba ang mga pangalang binanggit nito nang may kinakausap ito sa radyo. Tinawag pa nga siyang Daredevil sa babaeng nakausap nito. In fairness, hindi naman ito mukhang devil incarnate, kundi mukha itong guardian angel na walang pakpak. Pinatumba kasi nito ang mga taong nagtangkang kumidnap sa kanya. Kaya sa tingin niya hindi masamang tao ito. Hindi lang talaga maiwasan na matakot siya rito dahil hindi rin naman niya ito kilala. Pero bahala na sa kanya si spiderman, pakikinggnan nalang muna niya ang sinasabi ng kanyang instinct na mapagkatiwalaan nga ito. God, ikaw nalang ang bahala sakin kung nagkamali man ang instinct ko. Napansin nalang niya na dumudugo ang leeg ng lalaki. Kaya nahintakutan siya bigla baka kung napano na ito. "You're hurt." she blurted. "Huh?" "On your neck?" Hinawakan naman nito ang dumudugong leeg. "I thought it felt itchy. What is this? Maybe a shattered glass." Tinanggal nga nito ang isang maliit na pirasong basag na salamin saka sinuri nito iyon, at pagkatapos itinapon ito sa bintana na parang wala lang nangyari. Itchy lang, huh? Hindi kaya mahapdi ito at binalewala lang ng lalaki? O baka nag inject ito ng nubain kaya hindi ito nakakaramdam ng sakit? No wonder, kaya feeling nito hindi ito matatablan nang hamunin nito ang kidnapper. "Do you have a first aid kit in the car?" He snorted, like he found her suggestion amusing. "It's nothing. Doesn't hurt at all. I'll deal with it later." "Did the bank send you to fetch me?" Bahagya itong napalingon sa direksyon niya, pero nakakatutok pa rin naman ang mga mata nito sa kalsada. "No. But my uncle Simon would like to have a word with you." Kahit pa medyo may pagka kayumanggi ang balat nito, pero di pa rin matatanggi na isa nga itong Latino. Marami-rami na rin kasi siyang nakasalamuha na mga Latino nilang kliyente sa bangko. Kaya alam na alam niya ang features ng mga may dugong Latino. Pati rin ang tangos ng ilong nito ay nagpapatunay na isa nga itong Latino. Sa isang tingin nga niya rito mukha itong si Bernado Velasco na isang Brazilian actor. Ngunit dapat na niyang itigil ang pagpapantasya niya sa lalaking nagmamaneho, dahil masasabi niyang nasa delikadong sitwasyon pa siya. "Am I in trouble?" tanong niya sa lalaki. Napabungisngis lang ito ng tawa. "Well, a bunch of not-so-friendly thugs were waiting to ambush you and blow up your apartment. If that doesn't qualify as trouble, I don't know what it does." Inignora na lamang niya ang sinabi ng lalaki para hindi siya masyadong mag-alala sa sitwasyon niya ngayon at sa sinapit ng kanyang apartment. Kawawa kasi ang mga nakatira ron. "No. I meant in trouble with the law. Is this about the account information I stole from the bank? Did the authorities found out? I knew it was wrong, but I didn't mean any harm. You have to believe me, Mister." "Then you have to trust me, Samina." Pagkakatiwalaan kaya niya ito? Sabagay, alam na nito ang pangalan niya. Feeling close lang ang peg. "As long as you're not arresting me?" "Like I said, I'm just the driver." Lihim naman niyang pinag-aaralan ang kabuuan ng lalaki mula ulo hanggang paa. Hmmp..may kagwapohan nga itong taglay..in fairness, ito pa lang ang pinakagwapo na taxi driver na nasakyan niya. At kahit di niya nakikita ang mga abs nito, pero siguradong-sigurado siya na mala-pandesal ang mga iyon na kay sarap isawsaw sa mainit na kape. Hindi naman niya maintindihan ang kakaibang atraksyon na nararamdaman niya para sa lalaki. She could practically smell the testosterone rolling off his body. Pangalawang beses pa kasing na attract siya sa isang lalaki. Bukod don sa basketball player kung saan nagko coach ang kanyang ama sa isang basketball league sa Pinas. But this man was no athlete. His shooting skills told a different story. Ang sabi nito driver lang siya, pero alam niyang may itinatago sa kanya ang lalaki. She poked her head higher to look at the side of his face. Ngunit bigla nalang napasulyap sa kanya ang lalaki sa rearview mirror, tuloy nabuking siya sa kakatitig niya rito. "So, are you going to stick with the driver story? You must be a secret agent. Wait, are you part of CIA or whatever?" "No, I'm not a part any of it." Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang mga putok ng baril sa di kalayuan. Naramdaman nalang niya na biglang bumilis ang takbo nila. "Stay down." anito at kinuha ang kanyang radyo. "Pandora, Dragon Ball, you copy?" Samina ducked lower, hugging herself and trying to breathe through her fear. Ang hindi niya maintindihan kung bakit kalmado pa rin ang kanyang driver sa kabila ng naririnig nilang putukan. "Copy, Daredevil. We're returning fire on two cars." Boses babae na naman ang kausap ni mamang driver. He transferred the radio to his steering hand and reached across the seat, bringing a massive black machine gun rifle across his lap. "Everything under control?" "Affirmative." sabi naman ng isang baritonong boses sa kabilang linya. "The bridge we will be passing is less than four kilometers from here." At base sa naririnig niya parang mas tumindi yata ang putukang naririnig niya ngayon. Juice ko po! "Roger that." sabi ng poging driver. Tas iniumang nito sa bintana ang hawak nitong rifle. Curiosity got the better of Samina. She popped her head up to look through the rearview mirror. At nakita niya ang tatlong kotse sa di kalayuan na parang sumusunod sa kanila. "What are you doing? Get your head back down." singhal sa kanya ng lalaki. Napayuko ulit siya. "Are those cars the ones firing at us?" "No, only the last two. The car behind us are my friends. They've been trailing us this whole time, but there's two more cars behind them giving us some trouble. That's because of your program. And now the men responsible want to shut you up forever in a bad way." Alam niya na ang tangkang pagdukot sa kanya ay may kinalaman nga ito sa programa niya, pero mas na kumpirma niya ngayon sa sinabi ng lalaki. Maari pala siyang mamatay sa anumang oras ngayon, ito na kasi ang resulta sa pangingialam niya. Tuloy parang nagrambulan ang nasa loob ng tiyan niya. Every gunshot she heard kicked her heart rate up another notch. "You're not going to let that happen to me, right?" He scowled. "What kind of question is that?" Pero bago paman siya makasagot may kinausap na naman ito sa kanyang radyo. "We're at the bridge. You need any help from me on the B & B?" "You take care of the asset. We've got this covered." sabi ng kausap ni poging driver saka ito tumingin sa rearview mirror. "Roger that. See you at the safe house." Panandalian siyang nayanig sa kinaupoan niya, malamang nakadaan na sila sa bridge na sinasabi nito. "What's going on, Mister? What's a B & B?" "Now's not the best time for questions. Brace yourself, there's gonna be a blast." Kakasabi lang ng lalaki nang marinig niya ang malakas na pagsabog na ikinagulat pa rin niya. Pagtingin niya sa likuran ng kotse, nakita niyang ang dinadaanan pala nilang tulay kanina ang sumabog. At ang mga sumusunod sa kanilang kotse ay nawala na rin sa paningin niya.          Mas lalo tuloy tumindi ang kabang nararamdaman ni Samina. "That was the B & B?" Napapalunok siya nang makitang nag aapoy na ngayon ang dinaanan nilang tulay. "Affirmative." sabi nito sa kausap sa radyo bago siya nito binalingan. "We wired the bridge with explosives this morning in case we were followed. In a B & B, my friends goes off-road before the bridge falls down, trapping the hostiles against the roadblock and neutralizing them with heavy artillery." Kalmadong pahayag ng lalaki kahit pa sa sitwasyong kinasusuungan nila. Samantalang siya ay sapo-sapo na ang dibdib sa kaba. "I couldn't live with it if some of your friends got hurt protecting me." Nakita niyang lumiko na sila sa isang kalsada na napapalibotan ng mga puno ang gilid ng daan. "This is not about you. We're just doing our job." Samakatuwid pala, kaya lang niligtas nito ang buhay niya dahil sa ito ang naatasan nitong trabaho. Para naman siyang nasaktan sa isiping iyon. At parang nakaramdam siya ng pag-iisa at kawalan. No one was going to care about what happened to her, other than her dad and Clarkson. Sigurado naman siya na sa mga oras na yon ibinalita na ang nangyari sa kanyang apartment. At baka pag malaman ito ni Clarkson at sa kanyang Dad ay mag-aalala lang ang mga ito ng husto sa kanya, kung nasaan na siya ngayon. Pero hindi. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Mukhang hindi naman siya pababayaan ng kanyang driver, kahit pa trabaho lang ito para rito, at least nagmamalasakit pa rin itong ipagtanggol siya mula don sa mga masasamang loob. She brought her feet up to the seat and hugged her knees, willing the fear and loneliness away as she watched the trees pass in a blur. Ang malalim na pagbuntong-hininga ng driver ang nagpabaling sa kanyang atensyon dito. The last time he sighed like that, the kidnappers were on their trail. "I'm a Fili...I mean...Damn it." Parang bigla itong naging frustrated, kahit wala siyang ideya kung bakit. "How did you come up with the idea to jab that guy in the stomach? I don't know many chicks who would think to do that while they had a gun to their throat." Napakurap-kurap siya nang biglang ibahin ng lalaki ang unang sasabihin sana nito, ngunit parang nalusaw naman ang atay niya dahil sa papuri nito. "Um, thanks. My dad suggested I take a self-defense class before I moved here in Brazil, and I liked it so much that I take one every few years as a refresher. I was aiming for his crotch, but I couldn't scoot over far enough to make it work." He snorted. "Aiming for a man's crotch is definitely an effective technique, and you did fine. You gave me the chance when I needed to strike." Naalala naman niya kung pano binaril ng lalaki ang kidnapper na iyon, talagang nakakapangilabot ang tama nito. Unang beses pa kasi siyang nakakita ng crime scene at sa mismong harap pa niya. Pero kung hindi naman iyon binaril ng kanyang driver, baka siya na ngayon ang pinaglamayan. Napatingin ulit siya sa mga muscles ng driver. Walang duda na sanay ang katawan nito sa rigid training. Yet she could see in his sharp and dark eyes, that there was so much more to him she wanted to know. Pinalipas muna niya ang ilang minutong katahimikan bago siya nagtanong muli. "Once you deliver me to the safe house, is your job done?" Ano ka ba Samina, parang ayaw mo yatang mawalay sa lalaki ah? Hindi naman sa ayaw niyang mawalay sa lalaki, nag-aalala lang siya na baka wala ng magpoprotekta sa kanya roon. She watched the mirror, waiting for him to look at her through the glass, but he kept his eyes straight ahead. "Not sure." sagot nito. "I was supposed to escort you home, too, but that's obviously not going to happen." "Then whose job is it to decide my fate?" "You'll meet them soon once we arrived at the safe house." Ang palaging pahiwatig na sagot nito ay ang lalo lang nagpagulo sa kanya. Gusto sana niyang tabihan ito sa front seat para wala itong kawala sa mga tanong niya. Ang hirap kasi na nasa backseat siya. Kung papipiliin lang sana ako kung sino ang gusto kong magprotekta sakin, siguradong ikaw ang pipiliin ko. Niyakap nalang niya muli ang mga binti para labanan ang kanyang prustrasyon sa mga oras na iyon. "Can you at least tell me how much longer it is until we get there?" "We're almost there." habang nagsasalita ito, napansin niyang bumabagal na rin ang takbo nila. Tas napatingin ito sa kanya sa salamin. "I wish you could be in charge of your own fate. And I'm sorry it's not that way for you anymore." "Thank you." Medyo gumaan naman ang loob niya sa sinabi ng lalaki. At least he cared enough to feel sorry for her. Lumiko ulit sila sa isang malapad at malawak na daan. Hanggang sa tumunog na naman ang radyo nito. "This is Montenegro. Daredevil, do you copy?" Parang madalian ang pagpapakilala ng boses sa kabilang linya. Kinuha na ng lalaki ang kanyang radyo. "Copy. We're here on schedule." "Abort the mission. We're ambushed." Biglang naapakan tuloy nito ang preno. "You're what?" Sa unang pagkakataon ngayon lang yata niya narinig ang tarantang boses ng lalaki. "The safe house has been ambushed." Sabi nong Montenegro sa kabilang linya. "We're under attack. We can't--" At bigla nalang naputol ang koneksyon ng dalawa. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD