Third POV "Babe, mukhang mas gusto ko 'to. Bagay 'to sakin. Nakikita ang likod at balikat ko. Isn't it perfect, babe?" abot tengang ngiti ni Kanny nang ilapit nito ang bridal catalog sa kaniyang fiance —si Hendrick "Anything you want, babe. Lahat naman bagay sa 'yo." "Ow! Ang sweet naman ng babe ko. Okay, ito na ang pipiliin ko." "May napili na ba kayo, ma'am?" tanong ng may-ari ng boutique. "Yes, meron na. I like this one." itinuro ni Kanny ang nagustuhan niyang wedding gown. "Napakaganda niyan, ma'am. Maaari po ba kayong sumama sa akin sa loob ng measuring area. We just need to take your body measurements, Ma'am." "Sure, why not." tumayo si Kanny. Halata ang excitement sa kaniyang pagmumukha habang si Hendrick naman ay tahimik lang. "Babe, dito ka lang." yumuko siya para gawar

