Jhonalyn's POV Wala akong gagawin ngayon dito sa bahay. Wala ang anak ko kaya wala akong aalagaan. Siguro lalabas na lamang ako para makapaghanap ng trabaho. Kailangan ko na din 'yon dahil papasok na si Hailey sa Day care. Gusto kong magkaroon din naman ako ng ambag kahit papaano. Hindi lahat iasa ko na lang kay Hendrick. Mabili ko rin kahit papaano ang anak ko gamit ang pera na pinaghirapan ko. "Karina, pakisabi na lang sa senyorito mo na umalis ako. Wala din kasi akong magawa dito kaya susubukan ko na lang muna maghanap ng trabaho." bilin ko kay Karina. Naninibago lang ako sa kaniya ngayon. Ang tahimik niya na talaga hindi katulad ng bago pa lamang ako dito. Medyo madaldal pa siya noon. Nasaan kaya si Shane? Si Karina lang kasi ang nandito. Hindi ko nakita si Shane. "Sige ako

