Chapter Four- Love Counseling

1880 Words
Nasa kasarapan ako nang pag inom ko nito habang nakaupo ako sa counter at nag bibida sa sarili ko. "Malakas 'to! Kahit pa isang bote ng alak ipalaklak mo sa akin hindi ako agad tutumba!" Pagbibida ko sa barterder. "Yes Ma'am!" nakangiting tugon naman nito sa akin. Pangiti-ngiti lang ako sa bartender nito habang winawagayway ang kamay ko sa taas. "Woooh!" Sigaw ko habang umiinom. Medyo tipsy na talaga ako nito kaya nagkakaroon na ako ng lakas ng loob at kapal ng mukha. Tumayo ako sa upuan ko para sumayaw-sayaw lang sa pwesto ko. "Kuya! Grabe noh? Halos mag kanda tusok-tusok na yung mga pwet ng mga babae dito sa sobrang dikit ng mga lalaki sa kanila," sambit ko sa Bartender. "Nako Ma'am ganyan talaga dito! Papalibutan ka talaga ng mga kalalakihan kapag maganda ka," "Talaga ba? Sa tingin mo papalibutan din ako ng mga lalaki dito?" natatawang tanong ko sa kanya. "Oo naman Ma'am! Kung hindi lang ako nag tatrabaho dito kanina pa kita nilingkisan," "Ang hard mo kuya! Dirty 'yan!" natatawa kong sambit sa kanya. Paubos ko na ang isang bote ng alak ngunit hindi pa din ako nalalasing kaya bumalik na muli ako sa pwesto ko at umorder muli ng alak. "Kuya isa pa nga! 'Yung mas matapang pa dito." Agad na kumuha ng alak 'yung bartender at ibinigay sa akin. Piling strong lang naman ako ngayon kasi nag hahanap lang talaga ako ng pwede kong mapaglibangan dahil sa laki ng problema ko. Ito na siguro ang tamang panahon para sarili ko naman ang isipin ko at hindi ang ibang tao. Umiinom lang ako nito habang nag hihintay ng may lumandi sa akin. Nakaupo lang ako sa counter habang umiinom ng may lumapit sa akin na lalaki. "Hey! I finally found you!" masayang sambit ni Franco sa akin. Tumingin ako sa kanya habang nanliliit ang mga mata ko. "Hey? Ikaw na ba ang kasagutan sa panalangin ko?" sambit ko sa kanya habang iniikot-ikot ang dalari ko sa dibdib niya. "Your drunk aren't you? Come with me." alalang sambit niya sa akin. Inalalayan ako ni Franco at pumunta kami sa VIP room. Pag pasok namin sa VIP room ay wala si Fernando. "Hey! What happen to you? Bigla ka na lang nawala?" nakangiting tanong ni Marco sa akin. "Hi guys! Sumayaw lang ako sa baba tsaka boy's night out 'to bakit lagi akong dinadala ni Franco dito," Angal ko sa kanila sa boses ng lasing. "He is worried about you so he keeps on looking for you," "Aaah? Talaga ba? Sige tuloy nyo lang chikahan niyo dito lang ako sa gilid." sambit ko habang nakasandal sa upuan at pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi lang ako nalalasing sa iniinom ko bagkus ay nahihilo at duduguin pa ang ilong ko kakarinig ng english dito! Punyeta! Bakit kasi sumama pa ulit ako kay Franco sa yungib nila! "I think my nose is bleeding." sambit ko sa kanila. Agad na tumayo si Franco at alalang tiningnan ako. "Your funny! I was joking pwede naman kasi tagalog na lang gamitin niyong linguahe bakit english pa? Hindi tuloy ako makasunod," natatawa kong sambit sa kanila. "It's not your business! Chismosa ka ba? Why we need to adjust para lang sayo?" inis na sambit ng lalaki sa akin. "Sssshhhh. Lucio! Date ko 'to bakit ginaganyan mo?" galit na tanong ni Franco kay Lucio. "Miss! Sorry huh! Kupal lang talaga 'yung kapatid ko. Naiipit kasi sa isang madaling sitwasyon tapos tatanga-tanga pa," Singit ni Angelo sa usapan. "You know what kung pag ibig ang problema niyo expert ako diyan," sambit ko sa kanila habang inaayos ang mga mata ko. "Please help him out hindi na niya alam ang gagawin niya," Pakiusap ni Angelo sa akin. "Ok! Ok! So ano bang chika?" Hesitant pang mag kwento si Lucio sa akin ng problema niya dahil syempre hindi naman niya ako kilalang tuluyan tapos sasabihin niya sa akin ang problema niya at ang mga lalaki ay sobrang mataas ang ego. Mas magandang mag mukha silang matapang sa harapan ng mga mahal nila kay makita silang mahina. Ayun sa nakikita ko sa kanyang mga mata ay sobrang lungkot niya at talagang naluluha pa siya na nakatingin sa aming lahat. Nag bugtong hininga muna siya bago siya nag salita at nagkwento sa akin. "Atlist makakarinig ako ng other opinion. I have a wife her name is Gianna we broke up months ago actually hindi naman kami nag hiwalay talaga basta sobrang gulo lang ng sitwasyon at dahil 'yun kay Celine my ex-fiancee. Celine keeps on terrorizing Gianna. Nakagawa ako nang pagkakamali sa buhay ko dahil nabuntis ko si Celine habang nasa stage si Gianna ng kalungkutan dahil we both expected na buntis siya pero wala naman--" putol na kwento niya dahil sa sumabat ako agad. "Alam mo Lucio? Lucio right? I'm sorry to tell you pero sobrang tanga! Gago! Inutil! Putang ina mo ka! Pumayag ka na tine-terrorize ng ex mo ang asawa mo? Wala ka bang bayag? Bakit hinahayaan mong sinasaktan ng iba ang reyna ng buhay mo?" galit na tanong ko sa kanya. "Scumbag, stupid, asshole call me whatever you want! I know my mistake pero Celine is pregnant. Hindi ko kayang paalisin lang siya sa bahay ko dahil dala niya ang magiging anak ko," "Anak mo ba talaga ang dala niya? Baka naman dahil sa gusto ka niyang ma-win back gumagamit na siya ng pinagbabawal na tetnik," "I love my wife so much pero hindi ko man lang masabi sa kanya 'yun kasi lagi akong nasta-stutter kapag gusto ko ng sabihin sa kanya," malungkot na sambit niya. "Actually hindi ko din sure kung anak ko ba 'yung dinadala ni Celine kasi wala akong maalala that time. Basta nagulat na lang ako na katabi ko siya sa kama na walang saplot," lahad niya. "Kumusta naman si Gianna? Sobrang nakakadepress ng ginawa mo sa asawa mo!" gigil na sambit ko. "I know! Kaya nga sobrang laki ng problema ko kasi lagi silang nag babanggaan na dalawa sa bahay. Simula ng tumira si Celine sa bahay hindi na naging tahimik ang buhay ko," "Kasalanan mo naman 'yun Lucio at deserve mo na maging magulo ang buhay mo dahil kupal ka!" inis na sambit ko sa kanya. "Biruin mo the legal wife and the mistress is living in one roof? Hindi ba't sobrang gulo 'nun?" "So tell me? How can you help me?" tanong niya sa akin. "Simple lang ilayo mo 'yung kabit mo sa asawa mo! Kung ako asawa mo baka pinulbos ko na kayong dalawa ng kabit mo! Lakas din ng apog na tumira sa pamamahay ko eeh kabit lang naman!" inis na sambit ko sa kanya. "Andeng is right! Bakit hindi mo na lang pabalikin si Celine sa bahay niya para wala ng away 'di ba? Hindi mo naman tatanggalin ang sustento pero para mapaayos ang gulo niyo ay ikaw na ang umiwas," Singit ni Henry sa usapan. "Sinusubukan ko namang tanggalin si Celine sa buhay ko pero siya yung namimilit na bumalik," inis na sambit ni Lucio sa amin. "Anong gusto mong mangyari hindi na bumalik 'yung asawa mo sayo? Papabayaan mo na lang ba siyang mawala sayo? Para saan pa na kinasal kayo kung ikaw lang rin naman ang sisira ng commitment niyo sa Diyos?" galit na tanong ko sa kanya. "Ahhh! Sakit sa ulo!" "Sakit talaga sa ulo 'yang ginagawa mo dahil ikaw lang rin naman gumawa ng ikasasakit ng ulo mo. I don't want to argue anymore your the only one who can answer your questions. Ayusin mo yung puso mo sino ang matimbang sa dalawa. Kapag nasa isip mo ang ex mo pakawalan mo na ang asawa mo ng tuluyan dahil hindi ka niya deserve." Hinawi ni Lucio ang buhok niya at yumuko sandali. He's crying! Umiiyak din pala ang mga womanizer kapag iniwan sila ng asawa nila noh? Poor Gianna! Hindi niya deserve ang ganitong set up sa buhay. Siya ang asawa pero siya ang minamaltrato ng kabit. Mayaman siguro yung Celine? Mga ganyang tao dapat sinasakal eeh! Purkit may pera sila ganun na lang sila kung manapak ng tao! "Pokpok! Mas pokpok pa sa akin ang Celine na yan!" inis na sambit ko sa sarili ko. Tumahimik ang kapaligiran pagkatapos kong mura-murahin si Lucio. I know wala ako sa posisyon para murahin siya pero deserve niya 'yan dahil sa sinaktan niya ang asawa niya at para na rin sa empowerment ng mga babaeng katulad ko. "What if buntis din asawa niya tapos tinago na lang niya sa asawa niya kasi baka saktan na naman siya ng kabit ng asawa niya?" tanong ko na lang sa sarili ko. Hayyy! Nakaka stress din pala sa part ko na pinakinggan ko pa ang problema niya. Dahil sa nakaka-stress si Lucio ay ininom ko na lang muli yung alak na dala-dala ko para mabaling sa iba ang atensyon ko. Habang umiinom ako ay napatingin ako sa salamin. Napatalon ako sa gulat dahil nakatingin sa akin si Fernando na nasa labas ng pintuan. Nakakatunaw ang tingin na yun parang inaakit ako ng sobra. "So! Let's talk about Fernando's runaway bride and the mystery girl pop up in the church," nakangiting sambit ni Franco. "I don't want to hear about it!" singit na sambit ni Fernando sabay pasok sa loob. "The mystery girl was the savior! Akalain mo 'yun Kuya? 'Yung mapapangasawa mo ay matagal ka ng iniiputan sa ulo?" nakangising sambit ni Franco sa kanya. "Si Carol at 'yung bestfriend mong si Dennis ay matagal ng gumagawa ng milagro sa likod mo brod! I think 'yung babae na nakaitim hi-nire nila 'yun para masira ang kasal niyo at makapag sama na silang dalawa?" patanong na sambit ni Angelo. "Ako 'yun! Ako 'yung sinasabi niyong mystery girl!" sambit ko na lang sa sarili ko. Ako 'yung mystery girl pero parang maganda pa ang ginawa kong kapalpakan kanina sa simbahan. "What if 'yung sinasabi niyong mystery girl ay nagkamali lang ng simbahang napuntahan?" sabat na tanong ko sa kanila. "Huh?" nakakunot na tanong ni Harold. "So you mean to say parang wedding crasher lang 'yung mystery girl? Tapos saktong ayaw din pala nung bride pakasalan si Fernando?" tanong ni Marco. "Yes! Exactly! malay mo naman 'di ba nagkamali lang talaga 'yung sinasabi niyong mystery girl ng simbahan tapos nagkataon lang rin na niloloko na pala 'tong si Fernando ng babaeng 'yun?" tugon ko sa kanila. "Hayaan mo Fernando may mas better pang babae para sayo kaya cheer up ka lang! Nandito pa ako," sambit ko sa kanya. "Nandito pa ako?" nagtatakang tanong ni Fernando. "Oo. Nandito pa ako? Nasaan ba ako? Nandun ba ako? 'Di ba nandito pa ako?" Palusot ko sa kanila. "Hayyy... Kampai! Para sa mga broken hearted!" Sigaw ni Angelo. Itinaas namin ang baso namin at uminom na kaming lahat! Pagkatapos ng madugong usapan ay bumaba kami sa baba para mag saya at mag sayaw. Lasing na ako pagkatapos kong umubos ng dalawang bote ng alak para na akong nababaliw habang sumasayaw. Lahat kami ay sumasayaw sa dance floor kwera lang kay Fernando na nakaupo lang sa harap ng counter habang umiinom ng alak at nakatingin sa akin. Sige lang ang sayaw namin hanggang mahilo kaming anim. Dahil sa kalandian ko ay nakatagpo ako bigla ng panandaliang mga kaibigan dahil sa alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD