Habang nag hihintay ako na dumating ang Doctor na kakausap sa akin at mag papa-discharge sa akin dito sa hospital ay nakatulog ako. At this moment wala na akong naalala na tinanggal at pinalitan na nila ang swero ko kaya pag gising ko ay bago na ito at marami na muli. Pagdilat ng mga mata ko ay agad kong hinanap si Franco at nakita ko siya sa tabi ko na tulog. "Franco," mahinang tawag ko sa kanya habang niyuyogyog siya. "Nakatulog pala ako," tugon niya habang humihikab-hikab sa tabi ko. "Ako nga rin eeh nakatulog pala ako. Anong sabi ng Doctor?" "Wala 'di pa bumabalik 'yung Doctor pero 'yung Nurse napalitan na 'yung dextrose mo," "Oo nga nakita ko malinis na 'yung swero ko," nakangiting tugon ko sa kanya. "Gusto ko ng umuwi hindi ako makapag pahinga ng maayos dito sa hospital dahil

