Mercedes HINDI ako makapaniwala. Dalawang singsing na ang suot ko ngayon at parehong bigay ni Kirill sa akin. He proposed to me. It was unexpected pero nag-propose siya sa akin at sa harapan ng pamilya at mga kaibigan namin. My brother was there, too. Kahit na alam ko na hesitant pa rin siya kung si Kirill ang tamang tao para sa akin, pinagbibigyan niya na rin ako. Kapag kaharap ko sila ay pinakikisamahan naman nila ang isa’t isa, but I heard from Dmitry na handa na silang magpatayan kapag wala ako sa paligid. Napabuntong-hininga ako. Iyon na lang siguro ang problema ko at tuluyan na akong magiging masaya. Naka-set na ang date ng kasal namin dito sa Pilipinas at inaasikaso na rin namin. Suportado na naman kami ng aming pamilya. May isa pa pala akong iniisip. Napatingin ako sa tatlon

