Mercedes TUMUTULONG si Kirill sa pagbubuhat ng mga kahoy at sementong gagamitin para sa pag-aayos ng mga nasirang bahay. Mismong siya pa ang nag-utos kina Kazimir na tumulong at bumili ng mga kakailanganing gamit. Naalala ko noon na sinungitan niya ako dahil sinabihan ko siyang tumulong sa mga tao at sinabi niya na hindi niya naman iyon trabaho. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili. Parang kailan lang nangyari iyon at matapos ang lahat ng iyon ay ang daming nangyari sa aming dalawa. Who would have thought I would fall in love with someone like him? He’s the complete opposite of my ideal man. Gusto ko ay gentleman pero…may pagkabastos ang napunta sa akin. Nagdesisyon akong tumulong naman sa mga kababaihan na naghahanda ng meryenda para sa mga gumagawa ng bahay. “Ang lakas naman ni Si

