Kirill HINDI ko kailangan ng tulong ni Hades para malaman kung nasaan ang asawa ko. Alam ko naman na hindi sasabihin sa akin ni Hades. Una pa lang naman ay ayaw niya na sa akin. Ngayon na umalis si Mercedes sa tabi ko, kinuha niya iyong pagkakataon para tuluyang ihiwalay sa akin ang kapatid niya. Sinabi ni Dmitry sa akin na kakausapin niya si Hades, pero hindi na ako umaasa na may magandang balitang hatid sa akin ang kapatid ko. Hindi rin nagsasalita si Chaos. Alam kong alam niya at mabilis lang para sa kanya ang malaman kung nasaan si Mercedes dahil may-ari siya ng mga airlines pero dahil nirerespeto niya rin si Hades ay hindi niya ako tutulungan dito. Not that I needed their help. I tried to invade the V.A. Airways system pero agad akong nahuli. As expected sa cybersecurity ng komp

