MAGDAMAG lamang akong nasa kuwarto, hindi lumalabas hanggang sumapit ang gabi. Nang may kumatok lamang sa pinto ay roon lamang ako napabangon. "Manang, bakit po?" Nagtaka ako nang si manang ang bumangad sa akin pagbukas ko ng pinto. "Ay, hija, pasensya ka na at naabala kita, ha? Si Noah kasi, kanina pa hindi maayos sa baba, baka sakaling matulungan mo kaming mapakalma siya." Mabilis na kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? "Bakit po, ano pong nangyari sa kanya?" "Ayon, umuwi nang lasing." "Lasing?" "Ewan ko nga ba sa batang 'yon kung bakit naglasing. Pero halika na, tulungan mo kaming iakyat siya sa kuwarto niya." Nagmadali kaming bumaba ni manang. Pagkarating sa sala'y naabutan kong akay-akay ni Kuya Roger at ng isa pang guwardya ng mansion si Noah. Mabilis akong lumapit s

