"And who's this cute little girl?" Geoffrey asked when he saw Belle. Sinundo ko kasi si Belle sa room niya at sumabay naman si Sir Geoffrey sa akin. "Belle, say hi to Teacher Geoffrey—Geoffrey, si Belle nga pala, anak ko," pakilala ko sa kanila sa isa't isa. "Hi! I'm your mama's new friend. Just call me Tito Geoffrey when the classes is already done, is that ok?" Yumuko ito. "Ok po," nakangiting sang-ayon niya. Naglakad na kami patungo sa waiting area. Nag-text na rin kasi sa akin si Noah na malapit na siya kaya roon na namin siya hihintayin. "Mauna na ako. Mag-ingat kayo," nauna nang umalis si Geoffrey dahil susunduin niya pa raw ang asawa niya sa trabaho. Pagkaalis niya ay siya ring dating ng lulan na kotse ni Noah. Tumabi 'yon sa isang gilid at hinintay namin ang paglabas niya. N

