"N-Noah? A-anong ginagawa mo rito?" Mabilis akong napaatras palayo sa kanya. "Mag-usap tayo," aniya sa seryosong tono. Hinaklit niya ang isa kong braso at hinihila ako patungo sa kung saan. "B-bitawan mo ako!" Binawi ko ang kamay ko saka siya tinulak. "Ma'am, ano pong nangyayari?" nag-aalalang mungkahi ni Kuya Gary nang lumapit sa kinaroronan namin. "T-tara na po, Kuya Gary," nanginginig kong saad at akma nang aalis nang hinila muli ni Noah ang isa kong kamay para pigilan. "Mag-uusap pa tayo, Angelique!" mariin muling sambit niya. Napalunok ako nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito. Nag-aalab sa galit ang mga mata niya at nakakuyom ang isa niyang palad. "Ano pa bang gusto mo, Noah?! Tapos na tayo! Kailangan ko pa bang ulit-ulitin 'yon para tigilan mo na ako?!" pasigaw kong

