Prologue

870 Words
"Noah, w-wala akong ibang masabi kung hindi ang salitang thank you. Maraming salamat sa 'yo! Maraming maraming salamat sa 'yo! Maraming salamat sa tulong na ibibigay mo!" paulit-ulit kong pagpapasalamat. "Correction, Mr. Ferrer," "A-ahmm, I'm sorry, M-mr. Ferrer. Masyado lang siguro akong na-overwhelmed," "Huwag ka munang magpasalamat, Ms. Gonzalez. Hindi pa ako tapos," kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Hindi pa tapos? Saan? "Ano'ng ibig mong sabihin?" I asked, but I just saw him smirked at me? Hindi ako sigurado, pero 'yon ang nakikita ko. Nakaramdam ako ng kaba sa kanyang sasabihin. "I'll help you but... there's a condition." Nawala na nang tuluyan ang aking ngiti sa aking mga labi. Condition? I thought —huwag niyang sabihin sa akin na naglalaro lamang siya! "Tutulungan kitang maipanalo ang kaso kung papayag kang maging asawa ko," parang wala lang sa kanya ang sinabi habang ako ay gulat ang reaksyon. Tell me, tama ba ako ng dinig? Asawa? Tutulungan niya akong manalo basta ay maging asawa niya? 'Yon ba? What the! "Akala ko, tutulungan mo ako?" puno ng pagkadismaya kong sinabi. Parang nalaglag lahat ng mga pag-asa ko at ni isa wala akong nasalo. Ano bang condition 'to? Seryoso ba siya? Bakit kung gano'n? "P-paano kung hindi ako pumayag?" Nagkibit balikat siya. "Pwede na akong umalis kung gano'n. Saka ka na lang no'n maghintay ng ibang abogado na tutulong sa 'yo, 'yon ay kung may handang tulungan ka." Bigla akong napanghinaan ng loob sa kanyang sinabi dahil ni isa walang gustong tumulong sa akin, siya lamang nga ang lumapit sa akin para tulungan ako at 'yon lang ang meron ako ngayon pero parang mawawala pa yata dahil may pa-kondisyon pa siya. Damn it! "A-akala ko tutulungan mo ako nang walang hinihiling na kapalit—" "Wala nang libre sa panahon ngayon, Ms. Gonzalez. Lahat may bayad na—" "Edi, babayaran kita kung gano'n! Kahit magkanda kuba ako sa pagtatrabaho para lang may makita gagawin ko mabayaran ka lang. Please, tulungan mo ako, h-hindi 'yong ganito na ang gusto mong kabayaran ay maging asawa kita?" nagsusumamo ang aking boses, umaasa na pagbibigyan niya. "Hindi 'yan ang gusto ko, Ms. Gonzalez," kalmado pa rin siya. "So ano 'tong condition na 'to? Bakit mo 'to ginagawa? Ang maging asawa talaga ako, 'yon ang gusto mo? Sigurado ka? Nagbibiro ka ba? Seryosong usapan ang meron tayo rito, hindi ako nakikipaglaro sa 'yo!" hindi ko na maiwasang hindi mapataas ang aking boses, "Bakit mo ba 'to ginagawa, ha? Pinapaasa mo ba ako? Pinaglalaruan mo ba ako dahil sa ginawa ko sa 'yo noon?" puno ng sakit kong sinabi. Lahat ng pag-asa ko ay tuluyan nang nawawala. Akala ko pa naman ay handa siyang tulungan ako nang walang hinihinging kapalit dahil 'yon ang sinabi sa akin no'ng police, pero hindi pala! Kaya sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil para akong nabigo. "Don't flatter yourself, Ms. Gonzalez. Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng oras? At huwag mong ilalagay dito ang nakaraan, pawang trabaho lamang ang lahat ng 'to. At iba 'to, wala tong kinalaman sa noon. Masyado ka naman yatang naga-assume? You think, I'm still heartbroken because of what you did? No. Sabihin na lang natin na ito ang gusto kong kabayaran ngayon." "Ano to? Nagpunta ka rito para lang gipitin ako? Gipitin sa condition na gusto mo para lang pumayag ako, gano'n ba? Tinatakot mo ako na hindi mo ako tutulungan para lang um-oo ako sa alok mo?" Mapakla akong natawa. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Puno ng sakit ko siyang tinitigan sa mga mata. Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? Kahit hindi naman niya sabihin, alam kong galit pa rin siya sa akin, ramdam ko 'yon nang nga sandaling kausap ko siya! Kaya ba gusto niya akong maging asawa? Para ano? Pahirapan? Siguro ay gano'n nga! Akala ko, siya na ang magliligtas sa akin, na siya na ang magtatanggol sa akin sa korte, pero bakit may ganito pa siya? Pinapahirapan niya ako! Ngunit, may choice naman ako na um-hindi, pero bakit hindi ako makatanggi? Bakit may parte sa akin na gustong pumayag na lang? Ano'ng gagawin ko? "I'm not scaring you or what, binibigyan lang kita ng proportion," seryoso ang boses niya pati ang mukha niya, is it mean that he's totally serious about it? Mababaliw na yata ako! Namilog lamang ang aking mga mata. "Mahirap 'yang gusto mo, Noah! Babayaran kita sa ibang paraan, sabihin mo lang kung ano 'yon. How can I pay you para matulungan ako nang hindi 'yon ang condition?" Determinado na akong magpatulong sa kanya, pero hindi ako papayag sa paraang gusto niya! Ang kasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan, hindi para amin na wala naman siyang pagmamahal! He will just marrying me for nothing! Kung ako ay mahal ko pa siya, inaamin kong mahal na mahal ko pa rin talaga siya hanggang ngayon, pero siya ay wala namang gano'n sa akin! All I can see on him is anger and hatred for me, gusto niya lang ako pahirapan! "S-sabihin mo sa akin, Noah," ulit ko pa nang hindi agad siya sumagot. "Magpakasal tayo, 'yon lang ang gusto kong kapalit, Angelique. Ialay mo sa akin ang lahat sa 'yo. At akin ka buong buhay mo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD