"Ayos ka lang ba, anak?" Inabot sa akin ni mama ang isang baso ng tubig. Walang tingin ko 'yong kinuha. Pag-inom ko ay umalpas na naman ang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang iniwan ko na si Noah. Isang araw ko pa lang siyang hindi nakikita ay sobrang lungkot na ng nararamdaman ko. Ni hindi na rin ako nakapagtrabaho pa, nang dahil sa nangyari sa akin ay pinag-leave muna ako hanggang sa maging maayos na ang kalagayan ko. "Mama Angelique... tahan na po." Niyakap ako ni Belle na nasa aking gilid. Sa halip na iwan siya sa mansion ay isinama ko na siya sa aking pag-alis doon. Ipinagpaalam ko 'yon sa mga magulang ni Noah, hindi naman sila tutol dahil kung ano raw ang desisyon ng bata ay 'yon ang pagbigyan namin. Piniling sumama sa akin ni Belle kahit ang gusto ko ay

