My Husband is a CEO

2876 Words
Humahangos na pumasok si Caithlyn sa administrative building ng CDV corporation yakap ang isang white envelope alam niya kanina pa siya late sa sinabing oras para sa kanya pero baka sakaling pumayag pa ang kompanya na ma interview siya. Lumapit siya sa information desk at nagtanong dito pero nalungkot ang mukha ng babaeng pinagtanungan niya, kanina pa daw kasi natapos ang interview para sa mga naghahanap ng trabaho bilang chef pastries, chef pastries ang inaplayan niya dahil iyon ang natapos niya. Nakiusap siya sa babae na baka pwede pa siyang isingit sa ibang interviewee pero ibang line of fields na daw kasi ang on going sa mga oras na iyon. Dismayang naupo ako sa visitor's lounge sa lobby maraming nagsisilabasan galing sa loob pero ni isa walang pumapansin sa kanya. Kanina pa kasi sana siya nakarating sa oras na itinakda para sa interview niya kaso inalagaan pa niya ang pumapalahaw na pamangkin niya, may sinat pa kasi ito at kailangan na sanang maitakbo sa hospital pero saan siya manghihiram ng pera pampa ospital ng pamangkin niya? Hindi na niya napigilang maglandas ang luha na kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata kailangan na kailangan na niya ng pera para sa pamangkin niya, nahihiya naman na siyang lumapit sa ibang mga kaibigan niya dahil marami na itong utang sa kanila. Napadako ang tingin ko sa isang matangkad na lalaking papasok ng building, may kasabay itong isa pang lalaki sa paglakad mukhang may interview din naisip ko dahil may hawak itong white folder. Sandaling nagtama ang mga mata namin ng lalaking iyon bigla tuloy akong napahiya at pinahid ang luhang lumandas sa aking pisngi inirapan ko ito dahil sa sobrang hiya. Gwapo sana kaso mukhang kagaya niya lang itong nangangailangan ng trabaho inirapan ko pa ito nang makita kong nakatitig pa rin ito sa akin alam ko namang nag iisa lang akong nakaupo sa sofa kaya alam kong sa akin siya nakatitig. Hinawi ko ang buhok kong nilipad ng hangin at inipit sa likod ng aking tainga nakatayo pa rin ang lalaking nakatingin lang sa akin. Tumayo ako at dinampot ang folder na nilapag ko sa mesa. Sorry ka Mr Pogi pero trabaho ang hanap ko hindi boyfriend naisaloob ko at tsaka mabigat ang mga paang naglakad palayo dito. Parang kandilang naitulos sa kinatatayuan si Clint pagka kita sa babaeng bagong labas lang ng administrative building hindi ko alam pero parang pamilyar ang mga matang luhaan na iyon. "Good morning sir." bati ni Ciara matapos kong lapitan ito sa information desk. "Yung babaeng nakaupo dyaan kanina.. A.. Anong pakay niya?" nahihiyang tanong ko sa babae. "Ah yun pong babaeng bagong labas sir? Nag aapply po pero hindi po siya nainterview kasi nahuli na po siya ng dating. Tapos na po kasi si Miss Arci sa pag iinterview nang dumating yung babae po." nahihiyang sagot nito. Nahampas ko ang mesa ng babae sa narinig halatang nagulat pa si Ciara sa ginawa ko. "Tawagan mo yung babae ako na mag iinterview sa kanya." walang emosyong sabi ko. "S... Sir?" halatang nagulat ang babae pinapabayaan ko naman kasi sa HR ang pag interview sa mga nag aapply. Tiningnan ko ng mariin ang babae at tsaka nakita kong nag dial ito ng telepono. Tumalikod ako dito at pumasok sa nakabukas nang elevator. "Sir can not be reach na po yung phone nang babaeng pinapahabol mo sir." halatang nanginginig ang boses ni Ciara sa kabilang linya. Kakapasok ko lang sa loob ng opisina ko pero iyon ang balita sa kanya. Naupo ako sa swivel chair at pinaikot iyon. "Tawagan mo nang tawagan, sabihin mo bumalik siya bukas for her final interview!" yun lang at malakas kong ibinaba ang telepono. Napabuntong hininga ako habang nilalaro ang ballpen sa mesa ko, ano bang nangyayari sa kanya bakit niya pinapahabol ang babaeng iyon? "Hayaan mo na anak makakapag laba naman na ako bukas kina Mrs Chona manghihiram na lang ako sa kanya para may magamit sa ospital ni Andrei kapag hindi pa bumaba ang lagnat ng pamangkin mo." Malamlam ang mga matang binalingan ko si Nanay. Matanda na ito pero hindi ko pa maibigay ang marangyang buhay na pinangako ko dito noong grumaduate ako, nilapitan ko ito at niyakap sa likod. "Huwag na kayong tumanggap ng labada nay magagawan ko ng paraan". mahinang sabi ko dito. "Na received ko naman yung text ni Kyla sa akin ipapasok daw muna niya ako pansamantala sa pinapasukan nitong bar." dagdag ko humarap si Nanay sa akin at nag aalala ang mga matang hinaplos ang pisngi ko. "Pero sabi mo ayaw mo sa bar na iyon anak." sabi nito. "Huwag kang mag alala nay waitress lang po ako doon actually bar and restaurant po kasi iyon so ako sa restaurant po ako papasok." nakangiting sabi ko dito. "Pero maraming lalaki doon anak baka mapano ka." alanganing sabi ng nanay niya, hinawakan ko ito sa kama at ngumiti. "Trabaho ang hanap ko nay hindi naman lalaki at tsaka kaya ko ang sarili ko nay huwag mo nang alalahanin iyon basta ayoko nang tumanggap ka pa ng labada." nakalabing sabi ko dito. "Alagaan mo na lang si Andrei nay ako na ang bahala sainyo." ngumiti ako. Niyakap ko si Nanay bago nagpaalam dito para pumasok sa kwarto. Nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa maliit kong kama. Life is so unfair pinanganak siyang mahirap tapos mamamatay din yata siyang maging mahirap. Pinahid ko ang luhang kusang naglandas sa pisngi ko kailangan kong maghanap ng trabaho para sa pamilya ko. "So okay ka na? Lapitan mo na lang ako kapag may kailangan ka pa ha?" Nginitian ko si Kyla at hinawakan sa kamay. "Salamat talaga friend ha kailangan ko kasi ng trabaho talaga." nahihiyang sabi ko dito classmate ko ito noong college at matagal na sa restaurant ito nagtratrabaho. "What are friends for Caith." sabi nito. "Basta meron ako tutulungan kita." nakangiting sabi nito. Niyakap ko ito ng mahigpit at tsaka nagpaalam para mag umpisa na sa trabaho niya. First day niya iyon sa work niya kaya kailangan niyang pag igihan iyon para sa pamilya niya. Hindi naman siya nahirapan sa pag serve ng pagkain sa mga guest nila marunong naman siya kahit papaano makipag usap sa mga turista at humawak ng tray ng pagkain nagawa na rin naman niya iyon noong nag ojt siya. "Miss Caith pwede bang ikaw na lang muna ang pumasok sa vip room may aasikasuhin lang din akong regular guest sa kabilang table." pasuyong sabi sa kanya ni Anna, nginitian ko ito at tumango. "May order na ba mga guest sa vip room?" tanong ko dito. "Actually mag oorder pa lang daw sila Miss Caith ikaw na lang bahala ha?" sabi nito, nginitian ko ito at naglakad palapit sa vip room. Inayos ko ang uniform ko at ang template ng pangalan ko bago ako pumasok sa vip room kailangang maging maayos ang hitsura niya bago humarap sa mga guest doon. Nasa isang fine dining restaurant siya kaya kailangan all the time ay maganda pa rin siya. Natampal ko ang sariling pisngi sa naisip eh db nga hindi lalaki ang hanap niya kundi trabaho para magkaroon ng pera? So bakit nagpapaganda ka singhal nito sa isip. Nakalabing kumatok ako sa vip room automatikong nagbukas iyon at iniluwa nito ang isang gwapong mukha napatitig ako dito. Lord! Ang gwapo niya at mabango pa! Inayos ko ang sarili ko pumasok. Lord sabi ko trabaho ang hanap ko hindi mga lalaki naisip ko nang makita ko ang mga guest sa loob pawang mga lalaki ang mga iyon at mukhang may meeting ang mga ito. Napadako ang mga mata ko sa isang lalaki na kanina pa nakatitig sa akin iyon yung lalaki na nakita niya sa CDV building! Iyong lalaki na kung makatitig sa kanya para siya nitong hinuhubaran! Inirapan ko ito at umismid anong ginagawa ng lalaking ito sa vip room? Ah siguro may sinamahan itong boss sa meeting naisip ko. Binalingan ko ang lalaking nasa tabi ko na siyang nagbukas ng pinto kanina at ngumiti dito. "Sir ready to order na po ba kayo dito sa loob?" pilit kong pinapatatag na tanong dito feeling ko kasi para akong ginigisang bawang sa titig nito. "Ah. Yes." sabi nito at umupo. Lumapit ako dito at inilista isa-isa ang mga order nang mga ito. Huling nilapitan ko ang lalaking nakita ko na dati sa CDV building. "Your order sir?" pairap na tanong ko dito. "Just one bird nest soup and a Caesar dressing salad solo." yun ang unang rinig ko sa boses nito inilista ko iyon at inismiran matapos ulitin dito ang order nakatitig pa rin ito sa kanya. Gwapo sana kaso mukhang manyak naisip ko kung makatitig kasi ito para na siyang hinuhubaran! Inis kong nilapag sa mesa ang papel na hawak ko paglabas ko ng VIP room naiinis pa rin ako sa lalaking iyon! Katatapos ko lang magpunas sa mga table nang tawagin ako ni Louie. Lumapit ako dito pero parang hindi ito okay mukha kasi itong tense. "Louie okay ka lang?" tanong ko dito. "Naku Miss Caithlyn kung ako ang tatanungin okay lang ako pero ikaw pinapatawag ka ni boss sa opisina." kinakabahang linya nito. Automatikong kumunot ang noo ko sa narinig. "Pero akala ko ba wala ang boss natin dito?" maang na tanong ko dito nasabi kasi sa kanya ni Kyla na hindi naglalagi sa pilipinas ang may ari ng KTV. "Hindi naman sina big boss ang tinutukoy ko eh kundi yung anak nila." tense pa rin ito. "Naku ang mabuti pa Miss Caithlyn pumasok ka na sa opisina huwag mo ng pag antayin pa si boss." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Louie seeing his facial expression makes me nervous. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago kumatok sa opisina. Dahan-dahang pinihit niya ang seradura at sumilip sa loob may isang lalaki doon na nakaupo. Actually yung gwapong lalaki na mabango kanina sa loob ng VIP room! Kinalma ko ang sarili ko bago ako pumasok. "S.. Sir?" utal kong untag dito. Napaangat ito ng tingin at tsaka ngumiti ng makita ako. Ibinaba nito ang salamin sa mesa at tumayo palapit sa akin. Napalunok ako ng bigla itong tumigil sa harapan ko. "Anong pangalan mo? Bago ka lang dito no?" tanong nito. Nahihiyang tumango ako dito. "Yes sir kaninang umaga lang po ako nag start sa trabaho." nahihiyang sabi ko. "Caithlyn Zamora po ang pangalan ko." magalang kong sabi dito. Maang itong nakatingin sa akin at tsaka tumango. "Actually may gustong kumausap sayo, guest siya at nagrereklamo tungkol sa attitude mo." Tiningnan ko ito sa mga mata. Paktay! First day of work niya pero pinatawag na siya sa opisina ng boss nila tapos may complain pa tungkol sa kanya! Napapikit ako ng mariin. Lord huwag niyo ho akong tanggalin sa trabaho kailangan ko ho ng pera dasal ko sa isip ko. "Actually nandito sa loob ng opisina iyong gustong kumausap sayo." naidilat ko ang mga mata ko nang marinig kong magsalita ulit ito. "Ayun siya oh." turo nito sa bandang likuran ko. Napalingon ako sa bandang likuran ko nakita ko ang lalaking napaka seryoso nang mukha, may kausap ito sa cellphone pero nakatitig ang mga mata nito sa akin. Pinagtaasan ko ito nang kilay ng mapagsino ko ito, ito yung lalaki kanina sa vip room at sa CDV building noon! Hinintay kong matapos ito sa pakikipag usap sa cellphone nanatili lang akong nakatayo habang lihim na pinagmamasdan ito. Baka bodyguard ni boss naisip ko kasi bakit close ito sa boss nila? Iginala ko ang tingin ko sa opisina hindi ko na makita si boss naiwan sila ng lalaking ito sa loob ng opisina! "I'm sorry for keeping you waiting." narinig kong nagsalita ang lalaki, diretso ang english nito at may accent pa. Hindi ko na lang iyon pinansin at tiningnan ko ito nakakadala siguro kasi ang pagsama sama sa mga business meeting ng mga mayayaman kita mong magaling na mag english pati bodyguard naisip ko. Hindi ko ito pinansin at tuwid lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko. May kinuha itong papel sa bulsa ng black coat nito tiningnan ko iyon nang iabot iyon sa akin. Isang calling card pala iyon! "Aanhin ko po ito?" tanong kong hindi interesado dito. Nakakabagot kausapin ang isang estrangheyo para sa akin. "Tawagan mo yan bibigyan ka nila ng isang disenteng trabaho." pinagtaasan ko ito ng kilay so ang pagiging waitress pala ay hindi disenteng trabaho? "May trabaho na ho ako salamat na lang po." pagsusungit ko dito, gwapo pala ito kapag malapitan natural ang pagkakapula ng labi nito at makapal ang kilay. Tiningnan siya ng lalaki bigla akong na conscious sa pagtitig nito sa akin. "Ganyan ka ba talaga makipag usap sa guest niyo dito?" tanong nito at naupo. I rolled my eyes and sigh for a relief. If I know parehas lang tayong nagtratrabaho at binabayaran ng boss natin naisip ko iyong sabihin pero hindi ko nagawa. Nagkibit balikat na lang ako at tumingin dito. "Lets say na lang po na wala ako sa mood makipag usap sa hindi ko po kilala sir." prangkang sabi ko, ngumisi ito sa sinabi ko. "Sayang maganda ka pa naman sana pero suplada ka pala." sabi nito. Naniningkit ang mga matang tiningnan ko lang ito. "Wala ka na po bang sasabihin?" lakas loob kong tanong dito. Hindi ito umimik at matagal lang itong nakatitig sa akin. Ibinulsa ko ang calling card na binigay nito at tsaka tumalikod dito. "Wait, and you're just leaving like that?" narinig kong sabi nito ng maglakad ako paalis. Ayun na naman ang lalaki ang sarap pakinggan ang english nito. Kagat labi akong humarap dito. "May sasabihin ka pa po?" iritang sabi ko dito. Nakita kong tumayo ito at naglakad palapit sa akin nangunot ang noo ko nang inisang hakbang lang nito ang kinatatayuan ko. Hanep ang laki ng hakbang ah! naisip ko. "Wala ka man lang sasabihin sa akin?" he bowed himself para lang magpantay kami nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bumilis ng ganon na lang ang pintig ng puso ko, napaka ganda pala ng mga mata ng mokong na ito makapal ang kilay at tamang haba lang ng pilik mata nito, sa sobrang lapit ng labi ng lalaki sa kanya naamoy na niya pati hininga neto. "Huwag kang mag alala tayo lang naman ang nandito, gawin mo na kung anong gusto mong nakakabuti para sayo." nakangising sabi ng lalaki nanlaki ang mga mata ko sa nais ipahiwatig nito. "In your dreams na hahalikan kita!" malakas kong sabi dito siguro nanlalaki na ang butas ng aking mga ilong ganon kasi ako kapag magalit. I heard him chuckled yung sexsing tawa. Nakakaakit sa pandinig na tawa. Lalo akong nairita dito. "Anong nakakatawa Mr?!" naiinis kong tawa dito, nakakaakit kasi sa pandinig ang tawa nito! "I never mentioned a kiss from you." at tsaka tumawa ulit ito. "But if you want to go on." sabi nitong kakaiba ang ngiti sa labi yung tipong nang inis. Lalo akong nainis dito. Tinampal ko ito sa dibdib! Kung hindi pala kiss ang tinutukoy nito eh ano? Matalim ang mga matang tiningnan ko ito. "Thank you for laughing on me!" pabalang kong sabi dito at tumalikod naramdaman ko ang libo-libong bultahe ng kuryente ng hawakan niya ako siko. Pumiksi ako dito pero nakakapit pa rin ito. "I'm not laughing at you you're too cute kasi." sabi nito habang hawak pa rin ako sa siko medyo seryoso na ang boses nito. Napapikit ako ng marahan sa lakas ng kaba ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hinatak ko ang braso ko dito at hinarap ito. "Thank you sa offer mo pero hindi ko kailangan iyon sa iba ka na lang mag offer ng calling card." Pagkalabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko napasandal ako sa pinto ng opisina ng wala sa oras. God! Kakaibang lakas ng pintig ng puso ang naramdaman ko sa lalaking iyon! "Anong sinabi ni boss miss Caithlyn?" ilang ulit ko nang marinig ang tanong na iyon ni Louie mula kaninang bumalik ako sa dining. Tipid ang ngiting tiningnan ko lang ito. "Alam mo mukhang hindi naman nagalit si boss sayo miss Caithlyn nakangiti ka nga dyaan eh." dagdag na sabi ni Louie. Tiningnan ko ito at pinalis ang ngiti ko "Sus. Wala naman siyang sinabing hindi maganda at hindi naman siya nagalit." sabi ko at ngumiti ng maalala ko ang gwapong mukha ng boss namin. "Ang gwapo ni boss ano?" kunwari ay sabi ko. "Sus crush mo ba si boss Reynold miss Caithlyn? May fiancee na po iyon." palatak ni Louie. "Si boss Clint --- "Miss Caithlyn may naghahanap po sainyo sa table five sabi po niya gusto ka daw niyang makausap sa table niya." nilingon ko ang tumawag sa akin si Angie iyon at isa pa din sa mga ka trabaho ko. Tumingin ako sa table five na sinasabi nito sandaling nagwala ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ng lalaking nakaupo doon. "Ang kulit." bulong ko ng mapagsino ito. Si Mr bodyguard with english accent ito, at talagang kumuha pa ng table sa dining para inisin siya ha? Umismid ako at hindi ko ito nilapitan bahala siya sa buhay nito lalo na kung mang aasar lang pala ito. Hindi pa ba niya nasabi ang lahat kanina sa loob ng opisina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD