Oh, my goodness. Pulang-pula ako. Sabi na nga ba at diyahe talaga ang mga make-up na 'to! Ayan, kung anong g**o na naman tuloy ang napasok ko. Kainis! Mga ilang minuto ko na ring binubura 'yung kumalat na lipstick sa paligid ng labi ko dito sa harap ng malawak na salamin sa washroom. At kasabay nito ay binubura ko sa isip ko kung ano sa pakiramdam ko ang iniisip ni Ms. Elevator Girl. Hindi. Hindi maganda. Pakshet. Tae naman kasi. Pwede namang sabihin na lang niyang manahimik ako. Bakit naman naramdaman ko pang tumakip sa labi ko 'yung malambot niyang palad? Nakakaasar talaga! Kasabay pa no'n, hindi ko malaman kung bakit napatitig ako sa mga labi niya. Parang ang sarap halikan. Parang ang sarap tikman. Parang... Parang tanga na naman ako! Pucha ano ba 'tong mga iniisip ko? Palabas na san

