Kanina pa natapos ang speech ni Henry, kaya ang naiwan nalang sa stage ay yung MC. Pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik dito si Henry sa upuan namin. Ang rinig ko may special particifation daw sila kasama ng mga kaibigan niya. Nagulat nga ako ng malaman kung nandito yung mga kaibigan niya. Hindi ko kasi sila nakita kanina at hindi rin nasabi sa akin ni Henry na nandito pala yung mga kaibigan niya. Hindi naman ako nababagot dito sa upuan dahil kasama ko naman si Lily at Troy dito. Kaya lang iba parin kapag nandyan si Henry. Hindi ko nararamdaman na nag-iisa ako dito. " Mommy! " " Hey! Saan ba kayo nanggaling? Pinag-alala niyo si Mommy. " sabi ko sa kanila habang inaayos yung damit nila. Nagusot kasi yung damit nila at hindi ko alam kung saan sila nagsipupunta. " I'm sorry Mom, pinunta

