Chapter 2

1750 Words
Pagdating ko sa company na pinagtratrabahuan ko. Kaagad akong pumunta sa table at tinapos yung dapat kung tapusin kahapon. Hindi ko kasi natapos lahat kahapon sa sobrang raming dapat kung e incode at isa pa kailangan ko ring sumama sa mga meeting na dapat puntahan ni Sir at earrange yung schedule niya. Alam niyo na, bilang secretary niya, kailangan kung gawin ng maayos ang trabaho ko. Para maging maayos lang ang takbo ng lahat. Napatigil ako sa pagtitipa sa keyboard ng may biglang nagtext sa akin. Pagtingin ko yung pangalan ni Sir ang nakalagay, kaya agad kung binasa ang text niya. At ng matapos kung basahin yun at magreply sa kanya. Sinave ko muna yung naitype kuna saka inayos yung keyboard at tumayo. " Excuse muna, Team. Itigil niyo muna yang ginagawa niyo. Papunta na dito si Sir para sa meeting, kaya sa conference room muna tayo. " sabi ko sa kanilang lahat. " Teka! Clouie. Bakit daw, anong ganap? " nakangiting tanong sa akin ni Laila na co-workers ko/kaibigan ko dito sa office. " Abat malay ko. Bakit hindi si Sir yung tanungin mo. " sabi ko sa kanya na ikinasimangot niya. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang imemeeting sa amin ngayon ni Sir. Hindi porket secretary niya ako e kailangan ko na alam ang lahat. At isa pa, hindi ako chismosa no. Nagkwentuhan muna kami sa loob habang hinihintay namin si Sir. Hindi na kami magtataka kung bakit late na naman yun. E lagi naman, kaya sanay na kami sa kanya. " Good morning everyone. " seryusong sabi ni Sir pagkapasok niya sa loob. Kaya umayos naman kami ng upo lahat. Seryusong naglalakad si Sir sa harapan saka humarap ito sa aming lahat. Matanda na si Boss, pero hindi parin maitatago dito ang taglay na kagwapuhan at kakisigan nito. Nong unang pasok ko pa nga lang dito sa company niya. Akala ko bata pa siya, pero nalaman ko nalang na may asawa na pala ito at may dalawang anak. At hindi rin maiiwasan na maraming lumalapit sa kanya dahil palagi siyang pinagkakamalan na binata. Pinababantayan nga siya sa akin ni Ma'am eh. Kahit na alam niyang hindi siya magagawang lokohin ng asawa niya. " I call all of you, because I have an important to say. " pagsisimula nito. At seryuso naman kaming nakikinig sa kanya lahat. Dahil mukhang importante nga, ang seryuso din kasi ng mukha niya. " Next week, dadating na yung anak ko galing States. At siya ang pinili kung papalit sa pwesto o posisyon ko. And I want to all of you to welcome him gratefully. And treat him the way you treat me. Maaasahan ko ba kayo dyan? " tanong nito sa amin. " Oo naman Sir. For sure kasing bait niyo rin ang anak niyo. " nakangiting sabi namang co-workers ko. Ngumiti lang sa kanya si Boss na para bang ibang-iba ang sinasabi nito. " Wait lang, Sir. Kasing gwapo niyo rin ba ang anak niyo? " Parang ang sarap sampalin ni Laila. Sa dami-dami ng dapat niyang itanong yun patalaga ang pumasok sa isip niya? Pasalamat lang talaga siya mabait si Sir. Kung hindi baka kanina pa siya nitong sinigawan. " Malalaman mo ang sagot kapag nakita mo siya sa personal. " nakangiting sabi ni Sir sa kanya. Nakangiti namang tumango sa kanya si Laila. At parang baliw na nag-iimagine. Pagkatapos magmeeting ni Sir, bumalik naman kaming lahat sa trabaho. At tinapos ang iniwan naming trabaho kanina. At isa pa, kailangan ko ding tapusin ang pinapagawang report ni Sir, dahil kailangan niya ito bukas. Agad akong napatayo ng lumabas si Sir sa office niya. " May kailangan kayo, Sir? " tanong ko sa kanya. " May gagawin kaba mamaya? " tanong naman nito sa akin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Bukod kasi sa pagsundo ko sa mga anak ko at pag-asikaso sa kanila. Mukhang wala naman akong gagawin. " Wala naman po, Sir. Bakit po? May ipapagawa ba kayo sa akin? " " Ako wala. Pero yung asawa ko may kailangan sayo. Pinapapunta ka kasi nito sa bahay pagkatapos ng trabaho mo dito. " nakangiting sabi nito sa akin. Saglit naman akong natigilan sa sinabi niya. At parang gusto kung bawiin yung sinabi ko kanina. Kaya lang parang nakakahiya naman sa kanya at sa asawa niya kung tatanggi ako diba? Lalo na at malaki ang utang na loob ko sa kanila. " Okay po, Sir. Pupunta po ako mamaya. " sabi ko na ikinangiti niya. Bago ako umalis sa company pagkatapos ng duty ko. Nagtext muna ako sa kaibigan ko na siya muna ang susundo at magbantay sa mga anak ko dahil may gagawin pa ako. At mabuti nalang pumayag naman siya, dahil kung hindi, mapipilitan akong isama silang dalawa. Pagdating ko sa bahay nila Sir, kaagad naman akong sinalubong ng asawa ni Sir na halata yung excitement sa mukha ng makita niya ako. At mukhang inaabangan talaga nito ang pagdating ko. " Ma'am, hindi niyo naman po kailangan magluto ng ganito karami. " nakangiwing sabo ko sa kanya. Pano ba naman kasi, inaya niya akong pumunta sa kusina para maghapunan. At ng makita ko kung gaano karami ang niluto niya. Parang bigla akong nahiya. " Its okay, Clouie. Sinadya ko talagang ramihan ang luto ko, dahil alam kung mahilig kang kumain. " nakangiti nitong sabi sa akin. Napangiti na rin lang ako sa sinabi niya. Mukhang hindi parin kasi nito nakakalimutan yung nangyari nong huling beses na may party dito sa bahay nila. Nakita kasi ako nitong sobrang daming kinuhang pagkain. As in, yung talagang puno yung plato ko sa sobrang raming laman. Nakapangalawang balik pa nga ako non eh. Sobrang sarap kasi ng luto nila at talagang natakam ako. Kaya tinikman ko lahat ng luto nila. At nalaman niya din kay Sir na mahilig talaga akong kumain. " At napapansin ko din sayo, Clouie. Kahit anong dami ng kinain mo, hindi ka parin tumataba. You sexy as always. " nakangiti nitong sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa dito at tinikman yung niluto niya. Masarap magluto si Ma'am, kaya talagang hindi ako tatanggi sa hinain niya ngayong gabi. Matapos naming kumain. At kaya ako pinapapunta ni Ma'am dito ay para mag plano ng party sa pagdating ng anak niya. Sinimulan namin sa pagplano ay kung paano ang arrangement nito hanggang sa pagdesign. At ang mga kailangan pang gawin sa gagawing welcome party para sa anak niya. At ang panghuli ay yung food. Kaya sinagest ko sa kanya ay yung sa kaibigan ko si Troy. Sa kanya nalang kami magpapacater. May restuarant kasi ito at sinabi ko kay Ma'am na sobrang sarap ang mga pagkain nila Troy. At sigurado akong masasarapan ang mga bisitang dadalo. At para narin hindi kami mahihirapan sa paghanap ng magcater. Matapos naming mag-usap ni Ma'am at planuhin about sa party. Nagpaalam na ako sa kanya na mauuna na akong umuwi dahil hinihintay na ako ng kambal ko. Pinabaunan niya rin ako ng niluto niya kanina para pasalubong ko daw sa mga anak ko. Pagdating ko sa bahay namin at pagkapark ko ng sasakyan, agad akong bumaba saka pumasok sa bahay ng masigurado kung lock na ito. Sa pagpasok ko sy siya ring pagbaba ni Troy sa may hagdan. . " Dumating ka din, kanina pa ako naghihintay sayo. " inis nitong sabi. Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya. " Sorry, medyo natagalan kasi kami kanina. Yung mga anak ko, nasaan? " tanong ko dito. Pero pagkabanggit ko non, biglang sumama ang tingin sa akin. At mukhang alam kuna kung bakit. " Sige! Subukan mong tumawa dyan, hindi kana makakaulit pa. " pananakot nito sa akin. Tinakpan ko naman yung bibig ko para pigilan yung pagtawa ko. Mahirap na kasi, baka totohanin niya yung sinabi niya. " Pagkain ba tong dala mo? " tanong nito saka kinuha sa kamay ko yung bitbit ko. Tumango lang ako saka sumunod sa kanya papunta sa kusina. " Nagutom ako dahil sa kakulitan ng mga anak mo. " sabi nito habang binubuksan yung mga plastic ware na dala ko. Hinayaan ko muna siya doon habang kinakain yung mga niluto ni Ma'am kanina. Pumunta ako sa kwarto ng kambal at doon ko silang nakitang himbing na himbing sa pagtulog. Pareho ko silang hinalikan sa noo at inayos yung kumot nila. Mukhang pinagod nga nila ang Tito nila sa paglalaro. At napapailing nalang ako ng makita kung nakakalat lahat ng mga laruan nila sa bawat sulok ng kwarto. Lumabas na ako ng kwarto at muling binalikan si Troy sa kusina na mukhang malapit niya ng maubos ang dala ko. " May balak ka naman sigurong tirhan ang mga anak ko no? " sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin sabay ngiti nito. " Sorry! Ang sarap kasi ng dala mo. " sabi nito sa akin at muling sumubo. Tumango nalang ako at umupo sa harapan niya. " Nga pala, Troy. Yung restaurant mo pala ang napili naming magcater next week. " sabi ko sa kanya . Agad akong kumuha ng isang basong tubig saka binigay sa kanya na tinanggap niya naman saka ininom. At ng maayos na siya, masama naman yung tingin niyang ibinigay niya sa akin. " Baliw ka ba? Alam mo namang hindi kami nagkecater diba?! " galit nitong sabi sa akin. Hindi ko pinansin yung galit niya at kunwaring nagulat ako sa sinabi nito " Oops! Ganun ba? Paano yan, nasabi kuna kay Madam. At hindi kuna kailangan pang bawiin yun. " kunwaring malungkot kung sabi sa kanya. Agad akong napaiwas ng babatukan niya sana ako. Masakit kaya siyang magbatok. " Nakakainis ka Clouie! " sabi nito a1 agad na tumayo sa upuan niya. Sinundan ko naman siya palabas ng kusina at agad na kumapit sa braso niya para lambingin siya. " Sige na babe. Pumayag kana, hindi ko naman iooffer yung restaurant mo kung hindi kayo masarap magluto diba? At isa pa, pinagyayabang ko pa kayo kay Madam na sa lahat ng restaurant dito sa lugar natin. Kayo yung may pinakamagandang serbisyo na ibibigay. At hindi lang yun, super sarap pa yung food niyo. " nakangiting sabi ko sa kanya. Nagpapacute ako sa kanya ng tumingin siya sa akin. Saka inalis yung kamay ko na nakahawak sa braso niya. " Hindi na namin kasalanan kung pumalpak kami ha. " sabi nito na ikinangiting tango ko lang. Isa lang kasi ang ibig sabihin non. Pumapayag na siya, at may tiwala ako sa kanya. Kaya sigurado ako na hindi sila papalpak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD