Kanina ko pa gustong tumawa habang nakatingin kay Henry. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito nang makarating kami sa bahay at makaharap si Daddy. Kasi naman halatang gustong-gusto na itong sumabog sa inis pero hindi niya pwedeng gawin yun. Lalo na at si Daddy ang kaharap niya. Pero kahit ganun, kahit inis na inis na ang mukha nito. Ang gwapo niya parin tingnan, kaya hindi ko mapigilan na mapangiti ngayon. Kahit na parang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila ni Daddy " Napag-usapan na natin ito, Sir. Kukunin ko na ang mag-ina ko sayo. " sabi ni Henry na halata yung inis sa boses niya habang kaharap si Daddy " No! Not until your marriage. " Gulat akong napatingin kay Daddy dahil sa sinabi nito. " What!? Huwag mong sabihing hindi ka papakasalan ng lalakeng to. " galit na sabi nito

