Chapter 7

1471 Words
* Henry POV * Kanina pa nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa labas ng office. Unfortunately sa mismong desk ni Ms. Santos. Mag 1:30 in afternoon na pero hanggang ngayon wala parin siya sa desk niya. At kanina pa tapos ang lunch break niya. Kaya saan na naman nagpupunta ang babaeng yun. Maraming dapat gawin, pero hanggang ngayon wala pa siya. Nang hindi ako makatiis, lumabas ako sa office para itanong kung nasaan siya. " Ms. Laila. " tawag ko doon sa babaeng mukhang kaibigan niya yata dito. Agad naman iting tumayo at nakangiting tumingin sa akin. " Yes Sir. " nakangiting nitong sabi. " Alam mo ba kung nasaan si Ms. Santos? " tanong ko sa kanya. Tumingin muna siya sa desk ni Santos. At napansin ko yung pagbuntong hininga niya bago siya tumingin muli sa akin. " Gusto niyo bang ako na lang ang tumawag sa kanya, Sir. " sabi nito sa akin. " No. Just tell me kung nasaan siya. " malamig kung sabi sa kanya. May tinatago ba ito sa akin? Mukhang nagdadalawang isip kasi itong sabihin kung nasaan si Ms. Santos. " B-baka po nasa rooftop na naman po si Clouie, Sir. " mahinang sabi nito na rinig ko naman. Rooftop? At ano naman ang ginagawa ng babaeng yun doon. " Okay. Go back to your work. " sabi ko sa kanya na ikinatango niya naman. Bumalik ako muli sa loob ng office ko. Ilang minuto akong naghintay doon at ng makita ko siyang dumating na, balak ko sanang pagalitan siya ng mapahinto ako ng mapansin ko yung mukha niya. Parang may malaki itong problema at halata sa mukha niya yung lungkot. Nasa hindi malamang dahilan, parang may tumusok sa dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya. Napapikit ako at napahinga ng malalim saka tumayo sa kinauupuan ko at naglalakad papunta sa kanya. Agad naman itong napatingin sa akin pagkabukas ko ng pinto ng office. Pero bahagyang napakunot ang noo ko ng mapansin kung muli ang pagbabago ng mukha nito. Alam ko noon palang matapang na ito. Pero ngayong naging mas matapang pa ito at naging palaban. At aaminin ko, talagang nagulat ako sa inasta nito sa muli naming pagkikita. Dahil akala ko, tulad parin siya noon. Kaya talagang masasabi kung may nagbago sa kanya. At hindi ko yun inexpect. " Yes Boss, may kailangan kayo? " tanong nito na hindi nakangiti at seryusong nakatingin sa akin kahit na hindi ko na nakita sa kanya ngayon ang nakita ko kanina ng nasa loob ng office ako. Tumikhim ako at seryuso siyang tiningnan. Yung tingin na matatakot siya. Pero hindi ko iyun nakikita sa mukha niya. " Gusto ko lang sabihin na huwag muna akong hintayin mamaya. " sabi ko sa kanya. Sandali ako nitong tiningnan. At ng wala itong sinabi, tatalikod na sana ako ng marinig ko yung sinabi niya. " Kailan pa ba kita hinintay? " pabulong pero narinig kung sinabi niya. Huminto ako at lumingon sa kanya dahilan para mapaayos siya ng tayo ng tumingin sa akin. " Hindi mo ako hinintay. Pero ikaw yung naghahabol sa akin. " sabi ko sa kanya. Kung ibang babae siguro ang kaharap ko at tulad pa siya noon. Sigurado akong namumula na ito sa hiya. Pero itong babaeng kaharap ko. Ngisi lang ang tinugon nito l na para bang nang iinsulto siya at para bang wala siyang pakialam sa sinabi ko. Kaya inis akong tumalikod at pabagsak na isinara yung pinto. Bwesit na babae yun, ano ba ang problema niya? Malaki ba ang sapak non sa utak? Gabi na ng makaalis ako sa company. At tulad ng sinabi ko, hindi nga ako hinintay ng babaeng yun. Napansin ko pa nga kanina na nagmamadali siyang umalis na para bang may hinahabol ito. Hindi ako dumiretso sa may bahay, kundi pumunta ako sa bar ng kapatid ko nasa pagkakaalam ko mas lalo pa itong lumalago. Simula nong bumalik ako dito sa bansa, hindi pa ako pumupunta doon. Kaya kailangan kung magpunta doon dahil baka magtampo ang kapatid ko. At isa pa nag-aya yung mga kaibigan ko na magkita kami ngayon. Pagdating ko sa may bar ng kapatid ko, sobrang raming tao sa loob na halos mapupuno na ito. Napalinga-linga naman ako, at doon nakita ko yung mga barkada ko dati sa may bandang side ng bar. Kaya lumalakad ako papunta doon sa kanila. " Its been five years, hindi parin kayo nagbabago. " sabi ko na ikinalingon nilang lahat. Nanlaki naman yung mata nilang tatlo pagkakita sa akin saka sabay na tumayo at nakipag man to man hug sa akin. " Henry! Its been a long time. Hindi ka man lang nagsabi na bumalik kana pala dito. " nakangiting sabi ni Aidan sa akin. Ngumiti lang ako tumabi ng upo sa kanila. " So, kamusta. Kamusta buhay sa states? " tanong naman ni Val sa akin kasabay non ang pagbigay sa akin ng alak na kinuha ko naman at ininom bago siya sinagot. " Okay lang. " simpleng sabi ko kanya. " Okay lang? Ang sabihin mo masaya ka dahil nagkita kayo ni Aika doon. " biglang sabi naman ni Dan. Ngumisi lang ako at inubos yung laman ng bote saka muling bumukas ng isa pang bote ng alak. Nagkwentuhan lang kaming apat tungkol sa buhay namin ngayon. Lalo na at limang taon na ang lumpias mula nong hindi kami nagkita. Kaya talagang may nagbago sa aming lahat. Naputol lang yung pag-uusap naming apat ng marinig naming kumanta yung kapatid ko. Kumaway ito ng makita niya kami. " Nakakamimiss nong dating tayo. " biglang sabi ni Dan habang nakatingin sa may stage. " Parang kailan lang nong tayo ang nagbabanda diba? Ganito rin karaming tao ang nanuod sa atin noon. " sabi naman ni Aidan. " Past is past. Dapat na natin yun kalimutan. Ang mahalaga kung ano tayo ngayon. " sabi ko sa kanila. Wala namang nagsalita pa sa kanila. Nakinig at tumingin nalang sila sa gitna habang kumakanta yung kapatid ko. " Hindi nakakapagtaka na mas lalong lumalago itong bar ng kapatid mo, Henry. Hindi lang maganda ang boses, may good looking pa na talaga siyang napapahakot ng mga kababaihan. " manghang sabi ni Val. Napatingin naman ako sa paligid at talagang masasabi kung habulin ng babae itong kapatid ko maging yung mga kasama niya. Karamihan kasi dito ay mga babae na talagang napapasabay sa tugtog. " Sayang wala si Clouie. Tiyak na mas marami pang- " hindi na natapos ang sasabihin ni Val ng bigla siya sikuhin ni Aidan. " Ano ba! Masakit ha. " reklamo nito. Kunot noo naman akong napatingin sa kanila. Idagdag muna yung pagkalito ko kung paano nainvolve yung babaeng yun dito. " What about Clouie? " seryusong tanong ko sa kanila. Nagtutulakan pa silang tatlo kung sino ang sasagot sa kanila. Pero ng sumama yung tingin ko sa kanila. Biglang tumikhim si Val saka niya sinagot yung tanong ko. " Ganito kasi yan, Henry. Dati kasi nilang vocalista si Clouie sa band nila. At talagang laging dinadagsa ang bar na ito sa tuwing siya yung kakanta. Hindi naman sa humahanga ako kay Clouie. Pero talagang ang lamig at sobrang ganda ng boses niya. " sabi nito na halata yung pagkamangha niya. Siya kumakanta? It's impossible, hindi ko siya naririnig na kumakanta noon. " Pero simula nong umalis si Clouie sa banda nila. Kakaunti nalang yung mga regular customer na pumupunta dito. " sabi naman ni Aidan. " Alam niyo ba kung ano ang dahilan ng pag-alis niya? " nagtatakang tanong ko sa kanila. Kunot noo naman silang napatingin sa akin na para bang may mali akong sinabi. Pero sa huli, pinili rin nilang sagutin ang tanong ko. " Hindi namin alam. Dahil kahit kami, nagtataka din sa biglaang pag-alis ni Clouie sa banda nila. " sagot ni Val sa akin. Hindi na ako muling nagtanong pa at tumingin nalang sa gitna kung saan patuloy paring kumakanta yung kapatid ko. Kasama din pala nila si Clouie noon. Pero bakit hindi ko alam? Alam ba nila ang dahilan kung bakit umalis si Clouie sa banda nila? At ang mas lalo ko pang pinagtataka ay yung pangalan ng Bar ng kapatid ko. Matapos nilang kumanta nagpaalam muna ako kina Val na pumunta muna ako sa kapatid ko para kamustahin ito at icongratulate sa pagiging successful niya ngayon. " Matanong nga kita, Hanz. Bakit Twins ang ipingalan mo sa Bar mo? Ang pagkakaalam ko, wala tayong kamag-anak na kambal. " sabi ko sa kanya. Saglit itong tumingin sa akin at muling inayos niya yung gamit niya saka niya ako sinagot. " Ah yun ba Kuya. Meron kasi akong kilala na anak niya kambal at sobrang close ko yung anak nila. Kaya don ko nakuha ang pangalan ng Bar ko. . " nakangiti nitong sabi. Napatango nalang ako kahit na nagtataka man sa sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD