Tulad kay Daddy, gusto ko ring malaman sa kanya kung bakit siya galit na galit sa akin. Kung bakit niya ako pinagbintangan sa bagay na alam kung hindi ko naman ginawa. Dahil gusto ko ng matapos lahat ng ito. " Kaya ako nagalit ng sobra sa iyo noon dahil may nakapagsabi sa akin na niloloko mo lang ako, na pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo. " " At naniwala ka naman? " inis kung tanong dito. Mas lalo akong nainis ng tumango siya. At masasabi kung isa talaga siyang malaking gago. " Alam mong yung ayaw ko sa lahat yung niloloko ako Clouie. " sabi nito. " Pero paano ka nga nakakasigurado na talagang niloko kita? Paano ka nakakasigurado na totoo nga yung mga sinasabi nila? Ni hindi mo man lang ako kinausap sa bagay na yun. " pigil na galit kung tanong sa kanya. " Dahil nadala

