Ilang araw na nandito sa pinas si Ms. Aika. At nalaman ko na talagang girlfriend siya ni Boss. Lagi niyang binibisita si Boss dito at laging may dalang pagkain para kay Boss. Dinadalhan niya rin ako ng pagkain na para daw sa mga anak ko na isa sa mga pinagtataka ko. Hindi naman kami magkaano-ano para gawin niya ang bagay na yun. Pero sa totoo lang medyo naging close din kami nito ni Ms. Aika. Dahil sa tuwing pumupunta siya dito sa company at pagkatapos niyang magbigay ng dala kay Boss at magbisita dito saglit. Sa akin kaagad siya magderitso para makipagkwentohan. May pagkakulit din ang girlfriend niya dahil parang siya lang yung maingay sa amin. At mabuti nalang hindi nagagalit si Boss. Tsk! Paano magagalit yun, eh girlfriend niya si Ms. Aika. Akala nga namin mababawasan kahit kunti yung

