NAKITA ni Rina na kanina pa balik-balik si Eden, Cristine at Issa sa iisang lugar alam niyang hindi na mapakali ang mga ito dahil sa mga kasalukyang nangyayari. Dahil kahit siya ay gusto `ring lumaban pero wala naman siyang kakayahan, hindi katulad ng mga ito na malalakas ang kapangyarihan. “Wala na ba kayong alam gawin diyan kung hindi magpabalik-balik? Mahihilo lang kayo diyan sa ginagawan niyo.” Sabi ni Reese habang nakaupo at patuloy lang na nanonood sa mga nagyayari. Palibhasa alam nito kung gaano kaselan ang kalagayan nito kaya naman inuuna nito ang kaligtasan ng anak pero hindi nakikita pa rin niya ang pag-aalala nito para sa kasintahan. Kapagkuwan ay bigla na lang huminto si Cristine. “I’m hearing something.” Sabay-sabay na napatingin sila sa dalaga. “What is it?” aniya saka n

