Pinapakiramdaman ko ang sarili ko ng magising ako. Sarado pa din ang mga mata ko habang iniinda ang kirot sa bandang balikat ko. I was shot. And the most painful part is mommy was the one who shot me. I know the bullet wasn't for me pero ginawa ko lang naman iyon to save her. Hindi na niya kayang kontrolin ang galit niya. She's at point that she's not thinking anymore. She's using her emotions kaya hindi na niya makontrol ang galit niya. If you'll ask me if I'm mad. I don't know either. Kung nakinig lang si mommy at hindi pinairal ang galit niya ay wala sanang ganito. Nagagalit din ako kay Anton, if he man up for us and take us away from this, edi sana wala nang problema. Nasa punto na ako na hindi ko na alam kung sino ang kakampi ko. Pakiramdam ko ay tinalikuran nila ako kahit na si A

