33. #ReunitedInDevilsPlace Naunang nagising si Miah. Naging komportable naman ang kanyang pagtulog dahil sa ginawang pagtabi sa kanya ni Jorizce. At one point ay thankful talaga siya rito. Gayunpaman ay hindi naman niya ginustong magising sa mga bisig nito. Tulad ng nang pagmulat niya ngayon sa kanyang mga mata. "Oh?" bulong niya. Kasalukuyang magkayakap ang dalawa. Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang mga kamay sa katawan nito. Kaso lang ang mga bisig nito ay nanatili sa kanya. Kaya naman marahan din niyang tinanggal ang kaliwang bisig nito na buong-buong nakalingkis sa kanya. "Hooh!" mahinang pagbubunti niya. Kaso lang ay bigla na namang binalik ni Jorizce ang bisig sa pagkakayakap sa kanya. Hindi niya alam kung nananadya na ito. Hinilig niya tuloy ang ulo sa mukha nito. Napakaamo ni

