5. #TROUBLE
“Shet! Ano’ng klaseng nilalang ka?! Invisible tayo oh!” Tanong nang manghang-manghang si Joven. Speechless naman sina Tasya at Miah sa nasaksihan. Literal na hindi nila nakikita ang isa’t-isa pero alam nilang nakasakay pa rin sila sa humaharurot na kotse. Nakikita nila ang piligid, ang kakalsadahan. Gabi na kaya wala ng gaanong sasakyan. Marahil nagtataka ang ibang mga tao na nasa kalye at ang ibang mga motorista sapagkat nakakarinig ang mga ito ng isang kotseng humaharurot ngunit hindi naman nila nakikita.
Hindi lubos maisip ni Tasya na kaya rin palang gawing invisible ni Jelan kahit ang nasa paligid nito. Humanga siya sa kakayahan ng binata. Hindi na sila masusundan pa ni Jorizce.
Sa isang eskinita sila pumasok. Wala ng tao sa paligid ng madilim na eskinita. Ngunit napansin nila kaagad na sa dulo nito ay may isang babaeng nag-aabang. Lumapit pa ang kotse rito hanggang sa ito’y pinahinto ni Jelan. Unti-unti silang nalantad.
“Oh! Nakikita ko na ang mga sarili natin!” Muling pagkamangha ni Joven.
“Ba-bakit may hawak siyang espada sa kanang kamay at, at baril naman sa kaliwa?” Nauutal na tanong ni Tasya. Natatakot na siya. Hindi na niya mapigil ang kaba. Naisip niyang baka mas lalo pa silang mapahamak ngayon sa ginawang pagtakas.
Maiksi ang buhok ng babae na abot hanggang tainga lamang nito. Naka-shorts lamang ito at body-fit na polo shirt. Maganda ang pigura nito ngunit mabalasik tumingin ang pula nitong mga mata. Nakakatakot. Napalitan ng takot ang excitement na nadarama nila kanina.
“Hindi ka makakatakas Jelan Areus. Huwag na kayong humadlang sa mga balak namin ni Jorizce Avio. We only want to extend our lives. Alam kong nanaisin niyo rin iyon at ng lahat ng mga Exist.”
Hindi maunawaan ng tatlo ang tinutukoy nito. Mababakas naman kay Jelan ang labis na galit sa babae.
“Umalis ka sa daraanan namin!” Sumigaw ang binatang asul ang mata upang utusan ang babaeng pula ang mata. Si Tasya, ngayon lang nakitang ganito ang lalaki. Puno ng poot at galit.
“Bakit hindi mo ako banggain? Tingnan lang natin kung hindi mahati sa dalawa ang kotseng sinasakyan niyo. Sisiguraduhin kong si Jeremiah Oracion lang ang mabubuhay sa inyo.”
Nagkatinginan ang magkaibigan. Nagyakap sila.
“Bakit ako? Ano ba talagang nangyayari? Ano’ng klaseng mga demonyo sila?” Napatangis nalang si Miah sa kanya.
“Tama na Miah. Hindi ko rin alam kung ano’ng nangyayari.” Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. Nararamdaman niya rin ang takot na nadarama nito. Iligtas lang naman ang nais niya para sa kaibigan ngunit tila mas mapapahamak pa sila rito. Kung pagbabatayan naman niya ang sinabi ng babae ay makakaligtas si Miah ngunit sila naman ang masasawi. Naisip niyang pumasok lang sila sa mas malaking gulo.
“Miah? Miah?” Napansin niya ang pagluiwag ng yakap nito. Tuluyan na palang nawalan ng mala yang kaibigan. “Miah! Umalis na tayo rito! Ayoko na! Hindi na kami sasama sayo!” Siya naman ang nagpakawala ng luha dahil sa takot at pag-aalala.
“Tama Tasya umalis na tayo rito! Hoy ikaw babaeng nakaharang sa dyan. Aalis na kami kung may away kayo nitong si Mr. Invisible huwag niyo na kaming idamay pa!” sabi ni Joven.
“I’m sorry Tasya hindi ko alam na nandito ang babaeng iyan. Hind ko alam na alam niya ang lagusang ito.” Napalitan na rin ng pag-aalala para sa kanila ang mukha ng binata mula sag alit na kanina’y nakapinta sa mukha nito.
“Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala at magtiwala sayo eh. Sabi mo tatakas tayo para makaligtas ang kaibigan ko pero bakit parang pumapasok pa tayo sa gulo?”
“Narinig mo ang sinabi ng babae Jelan. Paalisin mo na sila para wala ng masaktan pa. Hindi nila nais na magkagulo.” The woman gave a demonic smile.
“No! Hindi ko sila pababayaan!” Pagmamatigas nito. Muli niyang hinawakan ang manibela ng sasakyan.
“Sa tingin mo ba makakatakas pa kayo sa akin? Wala kang kwentang Exist. Ang kapangyarihan mong invisibility ay kapangyarihan ng mga duwag. Nagtatago ka sa kakayahan mo. Wala kang laban sa kakayahan ko kaya paano mo sila mapagtatanggol? Alam mo hindi ko nga akalaing ikaw ang mapipili ng pinuno ng mga Exist na mamuno sa paglupig sa amin.” Tumawa ang babae ng malakas.
“Babaeng galunggong tumahimik ka na!” Isa na namang babae ang biglang lumitaw mula sa kawalan. Nasa harap ito ng kotse. Isang metro lang ang layo nito sa babaeng may pulang mata. Harapan sila. Hindi nila makita ang mukha nito dahil nakatalikod sa kanila. Kulot ang buhok nito at may maganda ring pangangatawan. Kitang-kita sa suot nitong violet dress na backless.
“Nandito na ako Jeana Aseana. Sino ngayon ang hindi makakatakas?!” Pagpapatuloy nito. Ambang babarilin na ito ng babaeng may pulang mata na tinawag nitong Jeana Aseana ngunit humarap ito sa kanila kaya namalas nila Tasya ang itsura nito. Maganda rin ang mukha nito, singkit ang mga mata ngunit kapansin-pansin pa rin ang lila nitong kulay. Humawak ito sa harap ng kotse at sa isang iglap ay naglaho sila at napunta sa ibang lugar.
“What the f*ck! Teleport? Napunta tayo sa ibang lugar Tasya?!” turan ng tulalang si Joven.
Natigalgal din si Tasya ngunit mabilis niyang inayos ang sarili dahil wala pa ring malay si Miah.
“Nasaan ba tayo? Umalis na tayo! Buhatin mo si Miah!” Nagmamadali at hindi siya mapalagay.
“What?! Aalis tayo? Tasya alam mo ba ang sinasabi mo? Malaking scoop to oh! Ako ang magiging pinakasikat na reporter sa Pilipinas kapag nakuha ko ang balitang to. Mga taong nagiging invisible at may kakayahang mag-teleport. Astig! Baka pati CNN kuhanin ako kapag nalantad to sa publiko!” lumabas ang pagkagahaman ng binata.
Labis na pagkadismaya ang naramdaman ni Tasya. Napakamot siya sa ulo at minasahe ang sintido.
“Kaya mo nga pala iniwan ang best friend ko ang ex-girlfriend mo dahil dyan sa trabaho mo. Iniwan mo siya sa mismong araw ng Pasko dahil may special Christmas report ka. Hindi mo inisip ang mararamdaman ng kaibigan ko, sa mismong araw ng Pasko pinabayan mo siya. Dinurog mo ang puso niya! Palalo ka Joven. Sana mabuhay ka ng mga ambisyon mo!”
Hindi siya nakapagpigil na sumbatan ito. Tulad ng Ate ni Miah na si Eunice ay reporter din si Joven sa parehong istasyon. Ginamit niya lang ang ate ng dating nobya upang mabilis na mapansin sat v network na pinapasukan. Minahal itong totoo ni Miah ngunit hindi nito nasuklian ang pagmamahal na binigay ng babae. Pinakamasakit pa dahil sa isang magandang assignment sa araw ng Kapaskuhan ay pinagpalit niya ang dating nobya. Nakipaghiwalay ito bago umalis.
“Nagiging praktikal lang ako Tasya!” halatang nainis ito sa mga sinabi niya. Nagbago ang hilatsa ng mukha nito.
“Tss! Hindi ko alam kung bakit sayo pa ako humingi ng tulong! Akala ko pa naman matutulungan mo ako para mailigtas ang kaibigan ko! Akala ko mahal mo ang kaibigan ko pero trabaho mo lang pala talaga ang mahal mo! Dapat pala kay Ate Eunice ako naniwala na makasarili ka dahil nabulagan sayo ang kaibigan ko!”
Binigyan niya ito ng isang malakas na sampal! Kung pwede lang umusok ang kamay niya sa lakas ng sampal na iyon ay umusok na ito. Nakatingin lang sa kanila si Jelan sa salamin ng sasakyan. Nagawi ang mata ni Tasya sa salamin at nagtagpo ang kanilang mga mata.
“A-aalis na kami.” Aniya sabay iwas ng tingin sa asul nitong mata.
“Nakatulog lang ang kaibigan mo. Napagod lang siya. Dito na kayo magpahinga. You are safe here.”
Bakit parang gumaan ang pakiramdam ko? Kaagad niyang naisip. Sinserong tinig palang nito ay gusto na niyang maniwala tulad ng mga ginawa niya noong mga nakaraang panahon. Sa pagkakataong ito ay hindi niya susundin ang nararamdaman. Napagtanto niyang hindi sila dapat napapasok sa gulo ng mga taong may kapangyarihan.
“I’m sorry Jelan.” Binuksan niya ang pinto ng kotse sa tabi niya. Tinipon niya ang lahat ng kanyang lakas upang kargahin si Miah.
“Sorry Mr. Invisible ah. Ako nang bahalang pumilit sa kanyang mag-stay dito.” Turan ni Joven kay Jelan habang hawak pa ang kaliwang pisngi na sumasakit dahil sa sampal. Lumabas din ito ng kotse. Sumalubong sa kanya ang babaeng may lilang mata.
“Whoah! Ms. Teleport! Pwede ka bang ma-interview?” Tila nawala ang sakit ng pisngi nito ng makita ang dalaga. Ginantihan ito ng matamis na ngiti ng dalaga.
“Sure.” Malambing na tugon ng dalaga. “Where’s your camera?”
Dali-dali nitong nilabas ang cellphone mula sa bulsa. “Heto oh!”
“Wow! S5!” Kinuha ng babae ang cellphone. “So you think I’m a fool? Hindi malalaman ng mga tao ang mga nakita mo. Walang interview na magaganap. You can go if you want.”
“Pero…” Hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang mawala ang babae sa harap nito.
“Saan mo siya dadalin?” Lumitaw ito sa harap ni Tasya buhat si Miah dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad.
Nasa ibabaw sila ng isang burol. May isang puno lang sa itaas at tila napakalayo nito sa siyudad. May maliit na kubo rin sa gilid.
“Aalis na kami. Wala akong alam sa inyo pero ayokong madamay kami sa inyo.” Tapat niyang sagot.
“Alam mo ba kung nasaan tayo? Alam mo ba kung paano bumalik sa Maynila?”
Hindi siya nakaimik.
“Kung gayon ibalik niyo na kami sa amin! Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari eh! Baka mas lalo lang kaming mapahamak sa inyo!”
“Hindi ba ang sabi ko sayo magtiwala ka lang sa akin? I will protect you.”
Narinig niya ang boses ni Jelan sa kanyang likuran. Humarap siya rito. Kusang bumagsak ang kanyang mga luha.
“Natatakot ako. Natatakot ako sa mga nangyayari.” Sambit niya habang tumatangis.
Dumampi sa kanyang mga pisngi ang mainit na kamay ng mga binata. Pinunasan nito ang kanyang mga luha. Muli niyang naramdaman ang pakiramdam ng ligtas sa bawat hagod nito sa kanyang pisngi.
“Aalagaan kita.”