3. #Warning

1403 Words
3. #Warning     Hindi alam ni Fantasia kung matatakot o kikiligin ba siya sa mga sandaling ito. Pagkatapos ng halos isang taon ay naritong muli ang lalaking asul ang mga mata. Hating gabi na at bigla na naman itong sumulpot. Sino ba naman ang hindi matatakot doon? Sa kabilang banda ay nakakakilig dahil tinaon talaga nitong kaarawan niya bago muling magpakita. Binati pa siya nito. Ang ibig sabihin alam nito ang kaarawan niya. Sa unang gabi palang noong mamalas niya ang kakisigan ng lalaki ay humanga na siya ng lubos rito. Pinagpantasyahan niya ito matapos ang naudlot nilang pagtatalik at umaasa siyang muling itong magpapakita sa kanya. Ito na nga ang gabing iyon.     “Wait lang ah! Salamat sa pagbati! Huwag ka naman sanang biglang mawala! Marami akong itatanong sayo!” Tinatak na niya sa isip niya na hindi na niya ito pwedeng hayaang makaalis na hindi man lang niya nakikilala at natatanong.     Tinitigan lang siya nito. Nakakatunaw tumingin ang mga asul nitong mga mata. Bagay na bagay sa maamo nitong mukha.     “Wait again! You’re a foreigner right? I remember that you speak in English the last time that I saw you almost one year ago.”     “Nagtatagalog ako.”     Napanguso siya sa narinig. “Anak ka ng … Nagtatagalog ka pala eh. Contact lens lang siguro ang mata mo ano?”     “Hindi. Kailangan ko nang umalis dahil paparating na siya. May mahalaga lang akong sasabihin sayo.” Seryoso pa rin ang mukha nito at tila nagmamadali na.     “Hindi mo pa kailangang umalis. Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo eh.” Hinawakan niya ito sa braso at may kakaibang init siyang naramdaman. Ito ang init na naramdaman niya noon ng maglapat ang mga hubad nilang katawan.     “I’m Jelan Areus. Nagpunta lang ako ngayon upang balaan ka. Kailangan mong bantayan ang iyong kaibigan kay Jorizce Avio. Nasa panganib ang iyong kaibigan sa kanyang mga kamay. Isa pa huwag na huwag mo akong babanggitin sa kanila kung ayaw mong mas lalong mapahamak ang iyong kaibigan. Babalik ako sa takdang panahon. May hinihintay lamang ako. Aalagaan kita. Muli, maligayang kaarawan.”     Halos malaglag ang kanyang panga sa nakitang biglang pagkawala nito. Nagsimula sa paa nito papanik sa ulo ang pagkawala nito. Iyon naman ang saktong pagpasok sa pinto ni Jorizce.     “Diyos ko po! Isa ka pa!” Nasabi niya sa labis na pagkagulat.     “Isa pa ako? Bakit may iba ka pa bang kasama?” Makahulugan na naman ang mga tingin nito. Mas natatakot na siya ngayon sa lalaking ito dahil sa babala ni Jelan. Ngunit hindi niya maaaring ipahalata ang kanyang takot dahil na rin sa babala sa kanya ng huli.     “Wala. Si Miah lang ang kasama ko. Gabi na ah? Ano pang ginagawa mo rito?” Nilagay niya sa likod ang nanginginig niyang mga kamay.     “Pupuntahan si Miah.”     “Pwede bang bukas nalang? Malalim na ang gabi wala pang pahinga ang kaibigan ko eh.”     “Don’t worry papagurin ko man siya magugustuhan niya naman.” He smirked then smiled naughtily.     Lumakad na ito papanik sa itaas ng bahay. Natigalgal lang siya sa lalaki Napakakapal ng mukha na basta-basta nalang pumapasok sa bahay ng may bahay. Nasa ikawalong hakbang na yata ng hagdan ng bumalik lang siya sa ulirat.     “A-ano ba’ng kailangan mo sa kaibigan ko?” Matapang niyang tanong. Tapang na nagtatapang-tapangan. Lalo  niya pang pinagtikom ang mga kamay na nilagay niya sa kanyang likod.     “I want her body. I want her…” Hindi nito tinuloy ang sasabihin. Lalo namang nadagdagan ang kanyang mga katanungan.     “You want her what? Mahal mo ba siya?” She took a step. Hindi niya alam pero gusto niyang malaman ang totoo. Gusto niyang mabatid ang pakay nitong si Jorizce Avio sa kanyang kaibigan. Hindi maganda ang interpretasyon niya sa unang sinabi nito na gusto nito ang katawan ng kaibigan niya. Manyak. Bastos. Walang modo. Iyan ang pumasok sa kanyang isipan.     “Mahal? That’s love right? I’m not here to love. I’m here to live.” His voice got rough it was serious. Malabo pero may pinaghuhugutan ang lalaki sa kanyang tinuran.     “Kung ano man ang pakay mo sa kaibigan ko please tama na.” Because of their conversation but more likely as a confrontation she gathered enough courage to told him those things.     Bumaba ito sa hagdan. Papalapit sa kanya. Nanlilisik ang mga berde nitong mata. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang paurong ang nagawa niya ngunit nakalapit na ito sa kanya at mabilis na tinunton ng kanan nitong kamay ang kanyang leeg saka siya nito dahan-dahang tinaas sa ere.     “Ah! Na-sasaktan a-ako!” Hindi na siya makahinga. Ang pagdagundong ng kanyang puso ay walang tigil. Naubos ang lahat ng kanyang tapang. Napalita ito ng takot. Mas matinding takot ang lumukob sa kanya.     “Don’t tell me what to do! Lahat nang nakikialam sa akin nawawala sa landas ko!” Hindi na niya ito magawang tingnan. Naghahabol na siya sa paghinga. Hindi na siya makatingin sa ibaba dahil halos tumirik na ang kanyang mga mata. Pinaghahahampas niya ang kamay nito ngunit nauubusan na siya ng lakas.     “Ah!” Nabitawan siya ng lalaki. Masakit ang pagkakabagsak niya ngunit hindi na niya ito ininda. Naghabol siya ng hininga. Halos masuka siya habang hawak ang kanyang leeg. Napansin niyang hawak nito ang sikmura at tila nasasaktan.     “Show me yourself! Alam kong nandito ka lang!” Sigaw nito. May kinakausap itong hindi naman niya nakikita. Dali-dali siyang umurong papunta sa pader. Naramdaman niya ang sakit sa kanyang balakang na unang bumagsak sa sahig.     Nakakatakot. Napakamisteryoso ng mga pangyayari. Biglang sumagi sa kanyang isip si Jelan Areus, ang lalaking kanina lamang ay narito. Baka ito ang nagtanggol sa kanya. She felt secured. She’s not sure but she knew he was here.     “Ano’ng nangyayari?!” Sabay na napalingon sina Tasya at Jorizce kay Miah. Nasa itaas ito ng hagdan malamang ay nagising sa ingay.     “Hu-huwag kang bababa!” Pilit niyang inipon ang lakas sa pagsigaw.     “Bakit?” Tanong ng kaibigan.     “There was a thief. Mabuti nalang at dumating ako pero okay na wala na.” Pagsisinungaling ni Jorizce. Tila hindi na nito iniinda ang kaninang sakit na nararamdaman. Umakyat na ito ng hagdan.     “Huwag!’ Sigaw ni Tasya.     Napukaw niya ang atensyon ng kaibigan. Lumingon naman sa kanya ang lalaki. Nanlilisik muli ang mga mata nito. Tila nag laro sila ng read my lips. Kiniliabutan siya sa sinabi nito. “Papatayin ko siya.” Saka nito nilagay sa mga labi ang kanang hintuturo. Nagpatuloy na ang lalaki sa pagpanik. Hindi siya nakakibo dahil baka patayin nito ang kaibigan. Naiyak nalang siya sa takot. She’s weak. She’s helpless.     Ilang sandali pa doon mismo sa itaas ng hagdan ay nakita na niyang naghahalikan ang dalawa. Nakapikit ang mga mata ni Miah ngunit ang kay Jorizce ay priming nakadilat at tila siya pang ang tinitingnan. Napayuko siya. Sa muling pagtuon ng pansin niya sa mga ito ay hubo’t hubad na sila. Nakatayo ang lalaki habang niyuyugyog ang kaibigan sa ari nito.     “Ah! Ah! Ah!” Halos sumigaw na ang kanyang kaibigan. Nasasaktan ba ito o nasasarapan.     Sa kanya pa rin nakatuon ang tingin ng lalaki. Ang alam niya lang ngayon ay siya ang nasasaktan dahil sa sinasapit ni MIah. She wanted to help her but how? Wala siyang laban sa lalaking ngayon ay pinaglalaruan ang kanyang kaibigan.     Masakit man ang balakang ay pinilit pa rin niyang tumayo at pumunta sa kusina. Ayaw na niyang makita ang live show ng dalawa. Her heart broke. Her friend was fooled. She can’t help but cry.     Pagpasok niya sa kusina ay isang bisig ang mahigpit na yumakap sa kanya. It was familiar. The smell, the texture, the feeling. Pag-angat niya ng kanyang ulo ay tama nga siya. Si Jelan ito. Sa wakas at alam na niya ang pangalan nito. Ito ang kanyang tagapagtanggol at dineklara na niya iyon.     “Huwag kang maingay. I’m here for you.” Bulong nito.     Kaagad itong bumalik para sa kanya. Lalo pa siyang tumangis. Alam niya ngayon na mas gagaang ang kanyang pakiramdam dahil narito na ito. Hindi nga siya nagkamali, nawala ang bigat na dinadala niya habang nasa bisig ng binata. She felt comfort. Ito ang pakiramdam ng mga bidang babae sa kanyang ma kwento. Ang hiling niya lang ngayon ay huwag na itong umalis pa. Huwag na sana siya nitong iwan pang muli.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD