(Miranda POV) " Ayieee Mira kinikilig ako sa inyo ni Sir" sabi ni Nadia sa akin. Itong si Alehlie naman nakabusangot ang pagmumukha. " Hoy Alehliang huwag mo nga ipakita ang pagmumukha mong napakapangit. Baka maging ganyan ang baby ko paglabas!" reklamo ko sa kanya. " Huwag mo nga akong tawaging Alehliang! Ang bantot pakinggan." nakakaamoy na pala ang tenga. Biro ko sa sarili ko. " Gusto ko nga eh bakit may reklamo ka?" inirapan ko siya ng bonggang bongga. Mula ng nagbuntis ako madalas ako magsungit. Natutuwa kasi ako kapag sinusungitan sila. " Bakit may magagawa ba ako. Diyan na nga kayo!" napaismid pa ito bago kami tinalikuran. " Bakit ganoon iyon. Wala yata sa mood? May nangyari ba na hindi ko alam?" tanong ko kay Nadia buang. " May LQ sila ng papabols niya. " sabi nito at n

