(Miranda POV) " Magandang tanghali Ma." nagbless ako sa Mama ni Mira. " Bakit naparito ka iho. Nag-away ba kayo ni Mira? Ang aga niya kasi umuwi at ang sabi masama daw ang pakiramdam niya." sabi nito. Bigla akong nilukuban ng kaba. Ano nga ba ang sasabihin ko. " Ma may hindi lang ho kami pagkakaunawaan. Hindi naman po kami nag-away." parang gusto kong ngumiwi sa sinabi ko. I'm lying Jesus! " Puntahan mo na lang siya sa kuwarto. Baka nakatulog na iyon. Ikaw na bahala. Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan pag usapan niyo. Huwag niyo daanin sa away." mahina akong tinapik sa balikat ni Mama. Tumango ako at nagpasyang puntahan sa silid niya si Mira. Pagkabukas ng silid nito naamoy ko ang mabangong amoy ni Mira. Doon yata ako nainlove sa amoy ni Mira my love nakaka addict. Nakita ko

