(Miranda POV) " Walanghiya ka Drake!" bigla ko siyang sinampal. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Napasinghap ang mga tao na nakapaligid sa amin sa ginawa ko kay Drake. Ang sakit naman kasi hindi ko na kaya. Iyak ako ng iyak. Wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko lang mailabas itong sakit na nararamdaman ko. " Sweetheart naman bakit mo naman ako sinampal. Sige aalis na lang ako kung ayaw mo na akong makita" akmang aalis na ito ng hawakan ko ng mahigpit ang braso nito. " Huwag kang aalis! Huwag mo akong iiwan!" banta ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang noo ko. Ganito pala ang manganak huhuhuhu. Ang sakit hindi na ako uulit pa. Parang binibiyak ang balakang ko feeling ko mapuputulan ako ng balakang. Bakit ko ba sinasabi pa ito? Ilang beses na ba ak
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


