Episode 29

620 Words

(Miranda POV) " Hay naku Mira naiinggit na ako sa iyo? Madami kang nga admirers. Tingnan mo may mga flowers na naman ang table mo. Ibigay mo na lang sa akin ang isa. Para kunyari mayroon nagbigay sa akin" napapailing ako kay Nadia ang ka officemate kong makulit. " Bakit ayaw mo pa kasi sagutin ang manliligaw mong si Thomas. Ilang taon ng manliligaw sa iyo yun." sabi ko. " Hindi ko siya type wala siyang abs." sabi nito na nakanguso. " Wala lang abs ayaw mo na. Guwapo naman ang tao at matangkad, mabait at masipag. Ano pa bang hahanapin mo?" " Oh siya sige palit tayo sa akin si Sir hotty sa iyo si Thomas. Total naman hinahangaan mo naman siya. Oh ano?" tiningnan niya ako ng naghahamon look. Napamake face ako. Gaga talaga ito puro kalokohan. Seryoso ako sa sinasabi ko tapos ganoon lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD