“Bossing, kaya ka pala hindi namin napagkikita, ha.” He was expecting this to happen. Lumilipad ang mga kantiyaw ng mga tauhan niya nang makita siyang papasok ng gym na kahawak-kamay si Nina. Pawang nakangisi pa ang mga ito. Kahit ang ilang mga parokyano na nagiging malapit na rin sa kanya ay nakikisali. Habang ngingiti-ngiti siya, ramdam niya naman sa kamay ni Nina ang tension na sapilitang itinatago ng nahihiyang mga ngiti. “Sa wakas, hindi na lang basta ka-fling.” Gusto na niyang batukan ang si Poldo sa mga pinagsasabi nito. Nag-aalala siya na baka kung ano ang isipin ni Nina. Pero nang tingnan niya ito, wala man lang senyales na nagseselos ito. ‘Konting selos naman diyan, mahal.’ Dati, ayaw niya ng seryosohan matapos ang pinakahuling committed relationship. Sakit lang sa kalooba

