“I love you.” Parang nabingi ang tainga niya sa narinig. Alam ng Dios kung gaano na niya katagal na hiniling na sana, sabihin ni Nina ang mga katagang ‘yon. Ngayong malaya nang sinasabi sa kanya, siya naman itong parang gagong naparalisa ang buo niyang katawan at namanhid para kumilos. Kahit ang pagkurap sa mga mata niya, hindi niya magawa. Natatakot siyang gawin. Mamaya, sa isang pagpikit lang ng mga mata, maglaho itong parang bula. Na baka gawa-gawa lang ng isip ang lahat ng ito at parte ng pantasya. But Nina was real. Dama niya ang init ng katawan nitong nakadikit sa kanya. Nakatitig ito nang tuwid sa kanya. Her eyes were beaming with intense emotions that matched his. Gumalaw ang mga daliri nito, muling humagod sa mukha niya. God, this is so sweet. He was tempted to close his ey

