‘Kalma, Nina. Galit ka sa kanya dapat, ‘di ba? Huwag kang parang tanga,‘ matalas niyang paalala sa sarili. Umayos siya ng tindig at taas-noong bumaling kay Ate Aiah. As much as she could, sinubukan niyang huwag pansinin ang mabilis ng t***k ng kanyang puso dahil sa pakiramdam na sinusundan siya nito ng mga titig. Tahasan niyang ipinakita sa binata na naiinis siya. Bakit ba, may karapatan siyang magalit, ah. “Nins, pwede bang ipaghain mo muna si Kuya Baxter mo ng meryenda?” “Ouch! Nakakasakit naman ng tuhod ang kuya,” pabirong angil ni Baxter. “Turning twenty-nine lang kaya ako, ha.” “Matanda pa rin ‘yon,” wala sa sariling nagbitaw siya ng malutong na komento at nagpatiuna nang pumanhik muli sa kusina. ‘Manigas ang panga mo, matandang bampira!’ “Aray!” Narinig pa niya ang pakengkoy n

