"Edcharl!" Bridgette's voice echoed and she rushed towards Edcharl. Mabilis na sumunod sa kaniya sina Yael at ang guide namin. Habang ako, natulala sa kanila at nanlamig. Hindi agad ako nakagalaw para daluhan siya sa sobrang gulat. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko, ang mga kamay ko nanlalamig, hanggang batok. I really didn't expect it. I was sure he won't fall. May espasyo pa ang kinatatayuan niya malayo sa bangin pero nagulat ako nang bigla itong lumambot at muntik na siyang mahulog. Kung hindi lang siguro siya mabilis na nakahawak sa malapit na ugat ng puno malamang nahulog na siya. "Jusko, kamuntik na 'yon! Bakit ba nandiyan iyang batang 'yan, umulan pa naman kahapon kaya malamang lumambot ang lupa!" Sigaw ng isang ginang na nagulat din. Parang nanuyo ang lalamunan ko at muntik ko

