"Ayos na 'yan, tama na." Pinigilan ni Edcharl ang kamay ko para ilayo sa mukha niya, inalis ko nga lang ang kama niyang nakahawak sa'kin at pinanlisikan siya. I am treating his wounds and bruises and he's been complaining. May gana pang magreklamo ginagamot na nga! "Leigh..." "Isang pigil pa, Saldivar, tatamaan ka sa'kin," banta ko. Natahimik siya at ngumuso na lang, umirap pa. Nasa loob kami ng kotse ko dahil ayaw niyang pumunta sa clinic kahit bukas pa naman 'yon. Kanina nang madatnan kami nina Tristan at nakita ang ayos niya, agad nagpuyos si Trist sa galit. Kung ano-ano ang sinabi at tinanong sa kaniya na hindi niya masagot ng maayos. "Ano ngang nangyari at pinagtulungan ka? Sino may pakana, Ed? Bakit hindi ka lumaban?" Edcharl heaved heavily and balanced himself. "Kalmahan mo,

