I gasped and everything seemed to have slowed, even my reaction to what Edcharl did to Denver's phone. For a second, I thought it was just an illusion, I can't believe and I don't understand why did he that. Nahugot ko ang hininga at unti-unting napanganga, laglag ang panga ko habang nakatingin sa pira-pirasong cellphone ni Denver na malakas na binato ni Edcharl sa batang kinauupuan ko kanina. Si Denver ay nastatwa at ilang minuto ring hindi nakagalaw sa pagkabigla. Agad napatingin sa'min ang iba nang marinig ang pagkawasak ng cellphone ni Denver. "What the hell!?" Gulat ko pa ring asik. Hindi ako makapaniwalang ginawa 'yon ni Edcharl at...parang wala lang sa kaniya ang ginawa. Nagawa pa niyang ngumuso at painosento akong tinignan. Nanlalaki ang mata ko sa kaniya, hindi pa rin malaman a

