I can't say anything against him, I can't even complain. I have no choice but to try the simple kind of life that I never desired. Within a week, he fulfilled everything I needed. From my new set of sofas, utensils, cooking materials even though he knew I can't cook. I feel like he's punishing me.
Ilang box ng groceries ang pina-deliver niya para sa isang buwang budget. Nakabili rin agad siya ng thread mill at yoga mat. Kompleto na lahat ng kailangan ko maliban sa chef. Alam niyang hindi ako marunong magluto, e. Sa loob yata ng isang linggo puro fast food ang kinakain ko at pinade-deliver ko lang.
"That's it! I can't continue like this in another week! I'm going to ruin my curves!"
Nagdadabog akong pumunta sa kusina at tinignan ang mga gamit panluto. I'll try cooking some easy to cook foods. Maybe eggs? But I can't eat too much egg, or perhaps processed foods. Oh no, not even healthy! But I can't cook anything harder than that.
"Alright, I'm still going to try. I never thought cooking could be this hard."
Para akong nanghihina, sana nag-cooking lesson muna ako bago ako pumayag sa plano ni Jaden. Nagsimula akong maghalo ng itlog sa bowl at maghiwa ng ingredients. Lumapit ako sa stove at tinignan saglit kung paano ba 'yon pag-aapoyin. Buti at madali lang pala 'yon. Isinalang ko ang kawali sa malakas na apoy at nilagyan ng mantika.
Maayos naman sa una, mukhang mag-aagahan ako ng maganda. Pero bakit parang ang bilis masunog ng itlog? Hindi ko alam paanong baliktarin ng hindi nahahati at hindi nasisira. Bakit parang ang dali lang naman nito sa napanuod ko sa yt?
"Oh my gosh! It's smoking!"
Is this even normal? Nakikita ko na ang pag-itim ng itlog sa kawali at pag-usok nito. Agad kong pinatay ang stove at nasapo ko ang nuo nang makitang sunog talaga iyong itlog. This is ridiculous, I thought it was easy!
"Alright, isa pa."
Kumuha ako ng hum at tocino sa fridge at binuksan ulit ang stove, sana naman this time maayos na. In the end, nasunog pa rin kaya hindi ko na kinain. I just ordered food and did my usual exercise in the morning. Babawiin ko na lang sa exercise ang calories na nakuha ko sa pagkain. Buong araw rin akong nakatunganga sa tv at natulog. Araw-araw gano'n hanggang sa mag-isang buwan. Hindi ko na nakayanan.
I am so bored of doing the same exact thing everyday, I want to go out and do shopping. I want to breathe fresh air. I want to go eat in a fancy diner and visit new bars in the city. But I can't. So to distract myself, I woke up early, changed into my sports bra and shorts and go out for an outdoor jog.
Nag-facemask na lang ako para itago ang mukha. Tanging tumbler, earbud at ipad lang ang dala ko. Malaki ang distansya ng kabayahan sa isa't-isa at ang bahay ko lang siguro ang pinaka-isolated sa iba. Napatingin ako sa kapit-bahay ko, kaming dalawa pala ang medyo malayo sa ibang bahay. Same block kami pero ni-minsan hindi ko nakita ang may-ari ng bahay. Mas maaga pa yata siya sa'kin umalis.
Wala man lang dumadaan na sasakyan o tao sa daan, natukso tuloy akong magtanggal ng facemask. Sakto namang nagtanggal ako ng facemask nang may nakita akong nagjo-jogging din at magkakasalubong kami. Pinasingkit ko ang mata para makita ang mukha ng makakasalubong ko. At para akong aatakihin sa puso nang matanto kung sino 'yon.
Shit, of all people, why him? Why this man? Dahan-dahan akong natigil at gano'n din siya. Nagkatinginan kami, parehong gulat nang makilala ang isa't-isa.
"Reign Leigh..." He whispered softly.
His eyes cautiously scanned my face as if he can't believe he's seeing me in the flesh. I gulped and raked his well-toned body a stare. Damn hot.