Naiirita ko rin siyang tinignan at binawi ko ang braso, ang sarap niyang sampalin! Kung makasigaw at makaangkin sa'kin, hayop na 'to? "Talo kayo 'di ba? Don't tell me you don't keep promises? Well, I think you really don't, Bryan." "Dahil lang natalo kami, itatapon mo na lahat ng pinagdaanan natin, Leigh?" I sensed pain and desperation in his voice. "Dahil ba marami akong pagkukulang? Fine, sorry then! Pero hindi ako papayag na maghihiwalay tayo dahil lang sa lintik na deal na 'yon." "Ayaw mo makipaghiwalay kasi bet lang?" "Malamang!" Inis niyang sagot. Pinagkrus ko ang braso at natatawa siyang inilingan, nakakaramdam ako ng tuwa sa kamiserablehan niya. Am I bad? Well, never been good. Tsk fine, I'll say it then. Mariin ang titig niya sa'kin at halatang nakainom pa, naamoy ko rin ang

