11: Guardian Duties

1505 Words
ANG kalat sa bahay ni Arkin. Kalat na naiinis man siyang pagmasdan dahil siya ang magliligpit ng mga 'yon ay wala naman siyang magawa. Nagkalat lang naman ang mga bote ng baby shampoo, baby soap, baby towel, baby oil, baby powder, ointment at may baby face cleanser pa! Kung ano ang gagawin ni Reema sa mga 'yon ay pinagdarasal na lang niyang hindi 'yon makasama lahat kay Baby Reemo. Smart 'to, kaya malaki ang tiwala naman niyang alam nito ang ginagawa. Including the pagpapaligo sa baby. And speaking of the baby, tila tuwang-tuwa naman 'to dahil parang kinikiliti 'to sa paghagikgik habang pinaliliguan ng nanay-nanayan. Napreskuhan na rin siguro. Ikaw man 'tong ibabas sa diaper. Napangiwi siya sa sinambit sa isipan. Siya lang naman ang rason kung bakit nababad 'to sa diaper. Kawawa naman at namumula tuloy ang singit. Kapansin-pansin ang pamumula niyon dahil maputi si Baby Reemo. "Baby towel, please," pukaw sa kaniya ni Reema. Kaagad naman niyang sinunod 'to. Inabot niya ang hinihingi nito. Nakamata lang siya mula pa kaninang pinaliguan nito si Baby Reemo, hanggang sa matapos na nga nitong paliguan at hanggang sa... "O, Papa Arkin, ikaw naman ang magbihis sa kaniya." Hanggang sa inabot na nga sa kaniya ng babaeng ni hindi man lang talaga naghilamos muna bago magpaligo ng anak-anakan, si Baby Reemo. "W—Why me...?" Ano naman ang malay niya sa pagbibihis ng baby? "Why you? Aba, hoy, duties natin 'yan. Be responsible enough, bukas ikaw naman ang magpapaligo nang matuto ka. Ikaw ang magpapaligo, ako ang magbibihis sa kaniya, gano'n, isahan lang. Mamayang gabi ay lilinisan natin siya. Manood ka, ayusin mo para naman sa susunod ay alam mo na, puwede ba," pagtalak nito sa kaniya. Wala siyang nagawa nang idunggol nito sa dibdib niya si Baby Reemo. Kinuha na niya ang babay at kinarga mula sa pagkakakarga nito. "How to bihisan you, Baby Reemo?" aniya sa baby na para namang mauunawaan siya niyon. Pero nakakaunawa na nga yata dahil tumawa. Cute. Nakakatuwa naman. Nakakahawa ang pagtawa ng baby kaya napangiti na rin siya. "He's smiling, sabi siguro, g'wapo ang Papa Arkin niya." Inikutan siya ng eyeballs ni Reema."Hala, kilos na, Arkin nang kabahan ka sa sinasabi mo." Marahan siyang tinulak nito. Iningusan niya 'to. "Oo na, ang init kaya." Pina-off kasi nito ang AC niya nang paliguan nito sa banyo ng bahay niya si Baby Reemo dahil hindi raw puwede na may AC o electric fan habang pinaliliguan ang baby. "Higa mo siya sa... do'n! Sa sofa na lang," mando sa kaniya ng babaeng walang pakialam sa itsura. "Sige na, bibihisan ko na siya, maghilamos ka naman," pagtataboy niya rito. "No. Hindi na 'ko maghihilamos. Pag-uwi ko ay maliligo na 'ko. Panonoorin kita na magpalit ng diaper nang matuto ka!" animo anak din siya nito kung makapagsalita sa kaniya. "Oo na po," he said sarcastically. Sinimulan na niyang bihisan ang baby. Inuna niya s'yempre ang sando. Hindi naman siya nahirapan na bihisan though, nakakatakot na magkamali. Aware naman kasi siya na may baby na namamatay sa suffocation. Kaya nga inalisan niya ng unan si Baby Reemo kagabi sa crib, inangat lang niya ang kutson nito sa bandang ulunan para magsilbi nitong unan at mahirap na. Hindi naman talaga niya pinabayaan si Baby Reemo kagabi, actually, hindi nga siya gaanong nakatulog. Panay rin ang kape niya kasi nga natatakot siyang kaunting kilos nito ay mapaano 'to. Thankful na rin siya kasi alak na alak siya kagabi pero dahil dito, dahil sa responsibilidad niyang bantayan 'to ay naiwasan niyang uminom kahit isang lata lang ng beer na pampaantok. "I think, four or five months na si Baby Reemo, 'no?" "Maybe, wala naman tayong idea sa edad niya pero sabi sa research ko, ang mga kinikilos niya naman ay four months turning to five na," seryosong tugon nito sa kaniya habang dinadampian na ng baby facial cleanser ang mukha ni Baby Reemo. "Para saan ba 'yan?" "Para sa face niya." O, 'di ba, ang husay sumagot. As if naman hindi niya nabasa na para 'yon sa mukha ng baby. Napabuga na lang siya ng hangin at hindi na ulit nagtanong. "Para clear skin siya." "Seryoso?" "Hindi, joke lang talaga." Hay, mababaliw siyang kausap 'to talaga. "Bahala ka na nga, basta sure na safe 'yan ah." "Ito ang brand na pinaka-safe sa baby, mister. O, heto, ointment, naku, buti na lang nakabili ako nito pala kundi wala tayong ilalagay sa rashes niya. Nakikita mo 'yan? 'Yang mapula na 'yan? Dahil po 'yan sa pagbabad mo sa kaniya ng diaper!" Lihim siyang napangiwi. "Sorry," anas niya kay Baby Reemo. Kasi naman, nanood din naman siya sa YT ng tutorial sa pagpapalit ng diaper pero ewan ba naman niya kung bakit takot siyang gawin 'yon. "Ang pag-aalaga ng baby ay responsibilidad, Arkin Winters. Hindi mo dapat katakutan ang pagpapalit ng diaper," sermon pa sa kaniya ni Reema. "Hala, sige, do it!" Inabutan siya nito ng isang diaper. "Teka, pahiran ko muna ng ointment ang rashes niya." "Buti naman naisip mo 'yan." "Er, pero... baka umiyak?" Hindi ba masakit 'yon? S'yempre masakit at sugat din naman 'yon. "Matapang 'yang si Baby Reemo, kanina nga sa banyo ay hindi naman siya umiyak nang sabunin ko ang rashes niya." "Are you sure?" "Just do it, okay? Para naman sa kaniya 'yan. Ano pa ba ang magagawa ng baby e, may pagka-engot ang nag-aalaga?" Lukot ang ilong na sinulyapan niya si Reema. "Grabe, engot agad? Hindi ba puwedeng first timer lang?" "First timer pero hindi naman na virgin." "Anong connect?" "Hoy, noong nag-decide ka na mawala ang virginity mo, malaki na ang tendency na magka-baby ka!" He scoffed. "Akala mo lang 'yon." "Aba't—" "Hey, stop nagging na nga, okay? Lalagyan ko na siya ng ointment." "O, siya, sige, 'yan ang pinakamaganda mong sinabi ngayong araw na 'to." Umigik si Baby Reemo nang pahiran niya ng ointment, thanks to heaven at hindi naman natuloy ang iyak nito dahil tapos na rin naman siyang magpahid ng ointment sa rashes nito. Pero nakakaawa naman ang baby kasi may luha. Haist, sa susunod ay mag-iingat na talaga siya na mababad 'to sa diaper. "Done na, Baby Reemo," pagkausap niya sa baby. Tumawa naman 'to kahit humikbi pa rin. "I'm sorry, baby..." "Aw, 'yan kasi, salbahe ang Papa Arkin niyan..." "Hey, that's foul! Huwag mong sabihin sa baby 'yan!" saway niya kay Reema. Hindi niya gusto ang gano'ng salita, para kasing sinabi na rin nito sa baby na napabayaan niya 'to. Well, medyo napabayaan niya nga si Baby Reemo pero sumusumpa siya ngayon na last na 'yon. "E, talaga naman ah, hinayaan mo siyang mababad sa ihi at pupu niya. Shunga ka, binilin ko na sa 'yo na check mo ang diaper 'pag umiyak siya e," paninisi pa sa kaniya ni Reema. "May second chance pa naman ah!" "'Kuuu, o, sige, go, naghihintay kami ni Baby Reemo sa second chance. Suotan mo na siya ng diaper, go on," ani 'to sa kaniya, minuwestra ang disposable diaper na isusuot niya sa baby. "Bakit kasi ganito 'to? Napanood ko sa commercial na meron naman no'ng parang undies ah, sinusuot na lang 'yon, mas madaling ikabit," reklamo pa niya. "Pang one year old na po 'yon, mister." "Ganon?" medyo napahiya siya ro'n. "Oo, 'dami mong reklamo. Go na, aba!" "Oo na, nagmamadali ka naman..." nagdadasal pa nga siya, minamadali siya— God, how the hell is this? "Teka, paano nga ulit?" Bumuntonghininga si Reema, nagpa-ikot ng mga mata saka namewang sa kaniya. "Iangat mo ang puwit niya, hawakan mo ang dalawang paa." "Ha? Sure? Baka mapilayan siya?" Masyadong mabigat ang kamay niya nga para sa balat ng baby kaya natatakot siyang hawakan talaga ang mga newborn babies na mga pamangkin niya. Pero hindi naman na newborn si Baby Reemo. In fact, malusog 'to at cute. G'wapo, mana pa sa kaniya. "Jusmio, gawin mo na lang. Hindi siya mapipilayan kasi gano'n naman talaga ang proper way to do that!" medyo gigil na ang tono ni Manang Reema, so, sundin na lang niya siguro... "Okay, game, baby—" "Gosh!" bulalas ni Reema na may halong tawa, sino bang hindi mapapabulalas? Ang inosenteng baby lang naman na si Baby Reemo, hindi pa man niya nahahawakan ang mga paa, nagpaulan na ng ihi! "Remedios, saluhin mo— ang carpet ko!" Tarantang sambit niya, hindi niya malaman kung ano ang gagawin— masasalo pa ba niya ang ihi gayong dama na niya ang mainit na likodo sa palad niyang nakasuot ng gloves, o iuurong niya gamit ang kaniyang paa ang carpet niyang nabili niya pa sa Syria— at kung tatayo naman siya ay walang aalalay sa baby na nakahiga sa sofa. Shit! "Anong saluhin ka d'yan? Ano 'yan ulan na kailangang saluhin ng timba?" Tatawa-tawa ang mahusay na manang sa sariling joke. Hindi siya iniintindi. "Remedios!" gigil na niyang sambit. And heck, ang babaeng tinatawag niya, hayun, nakasalampak na sa carpet niya, sapo ang sariling t'yan sa kakatawa! And to his great surprise, the baby giggled too! Hell, what's going on with this two?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD