Nagpapalit-palit lamang ang tingin ni Nairam sa dalawa. Mukhang close na magkaibigan ang mga ito. Buong akala niya ay babae ang Del Valle na kausap ng binata sa cellphone kanina. "Here's my contract." Sabi ng lalaki sabay abot ng ilang papel kay Mirkov. Mukhang mahalagang dokumento iyon. "What the f*****g f**k, man?" Kitang-kita niya kung paano kumunot ang noo ng binata. "Seryoso ka talagang papapirmahan mo sakin yan, Carlos?" hindi makapaniwalang tanong nito. Naku-curious na tuloy siya kung tungkol saan ang kontratang pinagtatalunan ng mga ito. "Yes," ngumisi ang lalaki. "It's my business, man. Isang pirma mo kapalit ng pahihirap kong pumunta sa boutique ni Ate Elise at pagbyahe ko dito. Do you f*****g know how much I suffer by buying this stuff? Pinagalitan ako ni Ate Elise kasi akala

