Florence, Italy. Alas kuwatro ’y media ng madaling araw nang lumapag sa Tuscany Region ang helicopter kung saan lulan sina Mirkov, Creig at Carlos. Maririnig ang malakas na tunog ng propeller na nagbibigay ng malakas na hangin at dumuduyan sa mga mataas na d**o at puno sa paligid. Lumapag sila sa gitna ng kawalan. Nang makababa si Mirkov mula sa helicopter na sila mismo ni Carlos ang nagpiloto ay kumunot ang noo niya. Madilim pa rin ang langit ngunit naaaninag niya ang mataas na puno at d**o sa paligid. Walang bahay o kahit anong gusali. Literal na nasa gitna sila nang kabundukan. “What the hell is this place, Carlos?” Tanong niya habang patuloy ang paglinga sa paligid. Tumigil na ang malakas na hangin na nanggagaling sa elisi ng helicopter. Ganoon din ang reaksyon ni Creig nang makabab

