"Come on, omorfos. I'll show you something." Naramdaman ni Nairam ang mahigpit na paghawak ni Mirkov sa kaniyang kamay. "Ano iyon, Mirkov?" Punung-puno ng kuryosidad niyang tanong. Ngunit hindi sumagot ang binata kaya namang sumunod na lamang siya rito. Kumunot ang noo niya nang tumigil sila sa maliit na pinto sa tabi ng pintuan ng banyo nakita niya kanina bago siya maligo. "Anong meron dito?" She asked. "You'll see." Pinihit iyon ng binata. Bumukas ang pinto, at mas lalo pang lumalim ang gatla sa kaniyang noo nang makitang may pa-ikot na hagdan roon. Nagkatinginan sila nang binata, hindi naaalis ang ngiti sa labi nito. "Ladies first," he said. Binitawan nito ang kaniyang kamay at animo'y isang butler na iminuwestra ang mga kamay na para bang sinasabing: 'mauna na po kayo, madam.' Bahagy

