CHAPTER 39 Hinatid ako nito sa trabaho ko. Muntik na naman, muntik na naman sa loob ng kotse niya kanina. Pinigilan ko na talaga. Halikan lang ang naganap dahil naagapan ko naman kahit kaunti. 'Yong halikan na mawawalan kana ng hangin. Ang sarap kasing humalik. Ilang minuto tuloy kami sa loob ng sasakyan niya. Hihintayin niya raw ako sa labas hanggang sa matapos ang trabaho ko at ihahatid niya ako pauwi sa aking apartment. Pumayag naman ako para makatipid sa aking pamasahe. Para makatipid ba talaga, Sienna? ‘Wag mo akong bigyan ng rason na para makatipid! Lalandi kana naman kay Jemuel! Gusto mo rin naman na sinusundo ka! Kaya naman kahit pagod ang katawan ko ay may ngiti sa aking mga labi. Sino ba namang hindi ngingiti? Nadiligan ako ngayong araw kaya masaya ako. Kahit ang mga kasama

