Note: Baka magtaka kayo kung bakit maulit ito. Namali po akong publish. Bago na po ang chapter 32. CHAPTER 33 Sa awa ng Diyos ay nakayanan ko naman na ‘wag bumigay kay Jemuel nung mga oras na iyon. Iningatan ko ng husto ang perlas ko. Mabilis na lumipas ang araw. Tatlong araw akong nanatili sa bahay ni Jemuel. Hindi ako nakakalabas ng kwarto niya dahil hindi ko pa kayang bumaba ng hagdan niya. Nung pang- apat na araw na ay nagpaalam na ako sa kanyang uuwi na ako sa apartment namin dahil bumuti naman na ang pakiramdam ko. Kinakain na rin kasi ako ng hiya ko dahil ilang araw na akong nandoon. Alam ko naman na may trabaho rin siya at ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho niya ng dahil sa pag- aalaga niya sa akin. Hinatid na niya ako sa apartment ko. Nakakalakad na ako ng maayo

