CHAPTER 46 Gulat na gulat ako at agad ko iyong nabitawan, nahulog ang box sa sahig. Napahawak ako sa aking dibdib sa labis na takot. Nanginig na lamang bigla ang aking buong katawan. Nasusuka ako sa nakikita ko. Ang daming dugo. Dugo ba ito ng isang tao? Kahit ang loob ng box ay nabalot ng dugo. Ang laman ng box ay picture ko. It was a stolen picture. Nakatayo ako sa labas ng aking apartment habang hawak ko ang aking telepono. Ang labis na kinatakot ko ay kung bakit mayroong dugo doon sa aking picture. Nababalot iyon ng dugo. It was so creepy! At may butas- butas pa ang picture na hula ko ay galing iyon sa isang kutsilyo. Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata. Gusto kong tumakbo palabas pero pakiramdam ko ay natuod ako sa aking kinauupuan. Sino ang may gawa nito? Saan galing

