"Ang ganda naman dito," saad ko nang dalhin ako ni Kiyo sa amusement park. This is Enchanted Kingdom at maliit pa yata ako nang makarating ako dito. Nakita kong mas marami na ang rides dito kaya mas lalo akong namangha. Nagsabi ako kay Kiyo na gusto kong amusement park ang puntahan namin para mas marami kaming gawin. Naalala ko pa ang pagrereklamo ni Alessio nang makitang si Kiyo ang kasama ko. Galit na galit ito at hinahanap si August sa akin. Pakiramdam ko ay iniisip niyang maraming akong lalaki pero nananatiling nakatikom ang bibig ko. Saka ko na lamang ibabahagi sa kanya ang nangyari kapag naayos ko na ang problema ko. Problema ko.. yes. Problema ko. Si August ang problema ko. Wala na akong narinig sa kanya simula noong huling pagkikita namin at gusto kong magpaliwanag siya sa akin.

