Alas otso na ng gabi nang maihatid ako ni August sa amin. Naghihintay si Alessio at Mama sa labas ng unit ko. Nakataas ang kilay ni Alessio at nakapamewang ito. Sinusuri nito ang reaksyon ko. Si Mama naman ay nakangiti pa at mukhang maganda ang mood. Ngiting-ngiti pa ito nang magpaalam si August. Awkward akong ngumiti. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng turtleneck dahil kung hindi ay mahahalata nila ang markang iniwan ni August sa leeg ko. Kapag naalala ko iyon ay hindi ko maiwasang mapahiya. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naalala na magkakaroon ako ng marka doon! At ang bastardong si August! Mukhang tuwang-tuwa pa ang gago sa ginawa sa akin! "So, how's your date?" tanong ni Alessio. Sumunod siya sa kwarto at kating-kating malaman ang detalye sa paglabas namin ni August. "It's okay.

