"Thank you for coming!" Bati ko sa pinakahuling customer na umalis. Alas diyes na ng gabi at napagpasyahan na naming magsara. Hanggang alas nuwebe lang talaga ang dining hours pero dahil maraming customers ay nae-extend. "Bakit parang laging wala ka sa sarili, anak? May problema ka ba?" Tanong ni Mama sa akin habang patungo ako sa counter para i-account ang kita ngayong araw na ito. "Wala naman, Ma. Bakit mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko habang kinukuha ang pera at ang duplicate receipts. Nakita ko ang titig ni Alessio na animo ay pinagmamasdan ako. Hindi ito umimik habang patuloy sa ginagawang pag-aayos ng kusina. "Palagi kang tulala nitong nakaraang araw. Malalim palagi ang iniisip mo. May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Mama na ikinatawa ko naman. "Mom, magkakaboyfriend ba 'yan sa

